Lahat ng Kabanata ng The Mafia's Prized Possession : Kabanata 71 - Kabanata 80
80 Kabanata
CHAPTER 69
I DIDN'T PULL THE TRIGGER!Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon sa kaniyang isip habang nakapikit. Wala siyang lakas na imulat ang kaniyang mga mata. Wala siyang ideya kung nasaan siya. Kung ano ang nagyayari sa paligid niya. At kung bakit siya nakakaramdam ng panghihina. But one thing is for sure..."I didn't pull the fucking trigger!" Malakas niyang sigaw kasabay ng pagdilat niya sa kaniyang mga mata. Nagtatakang napatitig siya sa apat na sulok ng kulay puting silid. Tanging ang puting hospital bed at maliit na mesa lang ang naroon. Walang kahit na anong gamit maliban doon. Nang akma siyang babangon ay muli siyang napahiga. Tulad ng dati, may mga kadenang nakasuot sa magakabila niyang kamay, leeg, at sa mga paa.Naninikip ang dibdib niya sa takot na lumulukob sa kaniya. Umaagos din ang kulay pulang likido mula sa kamay niyang may sugat. Wala na ang tahi doon at muli nang sariwa 'yon. Ganoon pa man, wala siyang maramdamang sakit. Nakakaramdam siya ng hilo at nais niya ng masuka dahil
Magbasa pa
CHAPTER 70
"BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok
Magbasa pa
CHAPTER 71
PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi
Magbasa pa
CHAPTER 72
"I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun
Magbasa pa
CHAPTER 73
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
Magbasa pa
CHAPTER 74
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
Magbasa pa
CHAPTER 75
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Magbasa pa
CHAPTER 76
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
Magbasa pa
CHAPTER 77
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
Magbasa pa
EPILOGUE
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status