Share

CHAPTER 77

BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.

Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati.

"Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.

Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status