Share

CHAPTER 73

DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat.

"Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito.

Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.

Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita.

"Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status