All Chapters of One Night With A Stranger: Chapter 31 - Chapter 40
43 Chapters
Kabanata 30
MULING naging panauhin ni Rochelle si Red nang umagang ‘yon. Kauuwi lang ng babae galing bar na pinagtatrabahuhan nito. “Kagabi lang ay nagkita tayo. Iniisip mo bang itinatago ko sa ‘yo si Jewel kaya ka naparito?” tanong ni Rochelle sa binata. “Of course not,” agad na tugon ni Red. “Nagbabakasakali lang ako na baka narito siya ngayon. Galing ako sa bahay ng mga Buenavista kagabi. Hindi ko nakita sa bahay nila ang kaibigan mo.” Inilapag ng babae ang shoulder bag nito sa monoblock chair. Pagkatapos ay tinungo ang maliit na kusina at nagtimpla ng kape. “Magkape ka muna.” “Salamat.” Tinanggap ni Red ang tasa na may kape. Hindi na rin siya tumanggi nang alukin nito ng pandesal. “Hindi pa rin tumatawag sa ‘kin ang kaibigan ko,” ani Rochelle at umupo sa sofa. “Nag-aalala na nga ako sa kanya. Naisip ko ngang baka may ginawang hindi maganda ang mag-ina sa kanya. Hindi malayong may katotohanan ang aking hinala.” Hindi natuloy ang pag-inom niya ng kape sa tinuran nito. Wala pa siyang gaan
Read more
Kabanata 31
PATULOY sa marahang paglalakad sa baybayin si Jewel nang umagang ‘yon. Ang malawak na karagatan ay tahimik. Sa laot ay may ilang bangka ng mangingisda. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib. Tahimik ang paligid. Walang maririnig kundi ang mabining hampas ng mumunting alon sa dalampasigan. Dalawang araw na siyang naroon sa San Juan Laguna, kasama niya sina Yaya Lourdes at anak-anakan nitong si Maricar. Unang beses pa lang niyang nakita ang beach resort ay nahumaling na siya rito. Nang makita niya ang nilalaman ng kahon na iniwan ni Papa Cesar kay Yaya Lourdes, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Agad niyang pinuntahan ang address ng dalawang abogado na nakasulat sa diary. Nalaman niyang kasintahan ni Mama Sonia ang isa sa dalawa. Marahil ay kakuntsaba ng kinikilalang ina si Atty. Delgado. Ilang beses niya nang nakita ang lalaki pero wala itong nasambit sa kanya tungkol sa last will and testament ng ama. Kaya naman ang kinausap niya ay si Atty. Rojo. Nalaman niyang halos lahat ng
Read more
Kabanata 32- I could almost taste your soul [Kiss]
PUMIKSI si Jewel. “Ano ba? Nasasaktan ako!” “Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Nasasaktan din ako. You’re carrying my child, naangkin kita ng buong-buo. Ako ang unang lalaking humawak sa katawan mo. But dammit! Bakit ipamimigay mo ang anak ko?!” Humulagpos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi na siya halos makapagsalita dahil sa samu’t saring pakiramdam. Tila sasabog ang dibdib niya sa labis na sama ng loob. Marahas na pinahid niya ang luha sa mga mata. “Wala kang alam sa nangyayari sa buhay ko. Hindi ba dapat ay matuwa ka? Dahil ginagawa ko ito para sa kaligayahan ni Ate Vivian.” “Matuwa? Paano ko gagawin ‘yon, huh?” Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Red. “Kung meron man dapat magpakilala sa ‘kin ng anak ko, hindi si Vivian. Ikaw, ‘yon. Dahil ikaw ang ina ng anak ko.” “Nahihibang ka na ba?” Pagak na tumawa si Jewel. “Huwag kang mag-ilusyon, Mister Collins!” “This is not an illusion, Miss Buenavista! No’ng gabing dumating ka sa buhay ko, pinilit kitang
Read more
Kabanata 33 – Way to meet again
SINUYOD ng tingin ni Red ang kaibigan, nakapatong ang isang kamay niya sa gilid ng kanyang baywang habang ang isang kamay naman ay hinihimas ang kanyang baba. “Ano ba kasing kalokohan ang pumasok sa kukote mo, pare?” reklamo ni Clyde. Mataman nitong pinagmasdan ang mukha sa side mirror ng kotse ni Red. “Bakit kaya napakamalas ko sa mga kaibigan? Ganito na lang ba ang papel ko sa inyo bilang kaibigan, laging nagpapanggap? Aba! Sa dami ng posisyong trabahong ginampanan ko sa barkada, hindi ko na kailangan maging private investigator.” Tinapik ni Red sa balikat ang kaibigan. Kagabi, sinadya niya sa bahay nito si Clyde upang humingi ng tulong dito. Mula nang malaman niya buhat kay Rochelle ang mapait na dinaranas ni Jewel sa mag-inang Sonia at Vivian, hindi na siya nagkaroon ng katahimikan. Nangangamba siyang may masamang mangyari sa kanyang mag-ina. “Last year lang, naging dakilang janitor ako sa isang private hospital para manmanan ang fianceé ni Ely Abales sa utos na rin ng kaibigan
Read more
Kabanata 34–I'm not an illegitimate daughter
“Red, narito ka pala. Wala ka bang pasok?” tanong ni Sonia nang mabungaran ang nobyo ng anak sa may sala. “W-wala, Ma.” Tumikhim si Red upang alisin ang kung anumang bumara sa lalamunan niya. “I let my brother manage the Collins Center for a few days. Magiging abala na po kasi ako sa pag-aasikaso ng nalalapit na kasal namin ni Vivian.” “How sweet of you, sweetheart. Kaya mahal na mahal kita!” tinig ni Vivian, halatang kinikilig na lumapit ito kay Red at siniil ng halik ang nobyo. “Gusto n’yo po bang sumama?” “Lakad n’yong dalawa ‘yan ng unica hijo ko. Isa pa, pinapagawa ko ang gripo sa shower room.” “Okay,” nakangiting turan ni Red. “We’ll go ahead, Ma!” paalam ni Vivian, humalik ito sa pisngi ng ina. “Red, take care of my daughter!” Nakangiting tumango siya bilang tugon. Napatingin siya sa kusina, nakita niya si Jewel na lumabas mula roon. Iniangkla ni Vivian ang isang kamay sa braso ni Red at lumabas ng sala ang dalawa. PAGPASOK sa kotse ay agad naging abala sa pakikipag-u
Read more
Kabanata 35 – Rebelasyon
NAMUTLA si Vivian nang makapasok sa private clinic ni Dra. Angela Muñez–asawa ni Akio na kaibigan ni Red. Dra. Angela Muñez, Obstetrician-Gynecologist. Masama ang loob na tumingin si Vivian kay Red. Hindi nito alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. “What does this mean, sweetheart?” Vivian tried to calm herself even though she was nervous at that moment. “I thought we were going to meet the owner of the flower shop who will supply flowers for our wedding?” “Gusto ko lang masigurong maayos ang pagbubuntis mo,” kaila ni Red. Bago pa sabihin sa kanya ni Vivian na nagdadalang tao ito, nasabi na sa kanya ni Rochelle ang pinaplano ng mag-inang Buenavista. Hindi siya nagpahalata sa nobya na alam niya ang totoo. Sa kabila ng mahigpit na ginawang pagtutol ni Vivian na samahan niya itong mag-prenatal check up sa Ob-Gyne, nagkaroon siya ng ideyang dalhin ito sa private clinic na pag-aari ng kaibigan niyang si Akio nang hindi nito nalalaman. Dahil alam niyang hindi ito papayag. “Mr. Collins
Read more
Kabanata 36–Vivian is not pregnant
“MA!” Kinalampag ni Jewel ang saradong pinto. “Utang na loob, ‘wag n’yong gawin sa ‘kin ‘to! Palabasin n’yo ako rito, Ma!” “Nararapat lang sa ‘yo ‘yan!” mula sa labas ng basement, narinig niyang sigaw ni Mama Sonia. “Mula sa araw na ito, hindi ka na makakalabas diyan!” Matapos i-lock ni Sonia ang pinto ng basement, may ngiti sa mga labi na umalis ito roon. Naiwan naman si Jewel sa loob ng basement na walang patid ang iyak habang himas-himas ang nananakit na tiyan. Hinintay lang ni Clyde na pumanhik sa ikalawang palapag si Mrs. Buenavista, saka lumabas sa pinagtataguan. Kinuha nito ang bungkos ng susi na itinago ng babae sa loob ng vase. Natigil sa pag-iyak si Jewel nang makitang gumalaw ang seradura ng pinto. Mabilis na dinampot niya ang monoblock chair. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Inihanda niya ang sarili. Wala siyang mapagpilian. Kailangan niyang makalabas ng basement. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa monoblock chair. Oh, God! Patawarin n’yo ako
Read more
Kabanata 37
NIYAKAP ni Vivian si Red. “Sweetheart, please… patawarin mo ako. Simulan natin muli ang lahat. Mahal mo naman ako, ‘di ba? It's not too late, mag-aampon tayo. I swear, you will learn to love the child we will adopt.” “Whose child? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me you had a sister.” “For what? She is not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa pinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” napalunok na turan ni Vivian. “S-siya mismo ang may gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” ani Red, marahas na inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Napahagulgol naman ng iyak sa mga palad nito si Vivian. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging ina. Kaya nga gusto mong angkinin ang bata pagkatapos manganak ni Jewel, right?” “Si Mama ang may idey
Read more
Kabanata 38
“ANO ang ibig sabihin nito?” nanggagalaiting sigaw ni Sonia. Halos manlaki ang ulo nito sa nabungarang tagpo. Nakakalat ang mga kagamitan nito sa labas ng opisina. “Sino ang may gawa nito?”“Ma’am, kahit ano pong awat namin sa kanila, ayaw nila kaming pakinggan. Hindi na raw ikaw ang Managing Director ng kumpanya,” pabatid kay Sonia ng kanyang sekretarya. “Si Mr. Carlo Burgos, siya po ngayon ang nakatalagang papalit sa iiwan n’yong posisyon sa kumpanya, ma’am.”“At sinong baliw ang nagsabi?”“Ako.”“Who are you?”“Ako si Atty. Macnel Rojo. Isa ako sa mga abogadong pinagkakatiwalaan ng nasira mong asawa na si Mr. Cesar Buenavista.”“Hindi ikaw ang abogadong kinuha ng asawa ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kumpanya!” pagbabanta ni Sonia sa lalaki.“Si Atty. Delgado ba ang tinutukoy mo, Mrs. Buenavista?” seryoso ang mukhang patanong na sabi ng abogado. “Umamin na si Atty. Delgado. Binalak n’yong manipulahin ang iniwang testamento ni Mr. Buenavista. At itong Bue
Read more
Kabanata 39
AGAD na pinuntahan ni Sonia ang anak sa kwarto nito matapos makausap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” galit na turan ni Sonia na isa-isang ipinagtatapon ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkalat sa ibabaw ng kama ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang sirain ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makakatulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina, Ma…” humahagulgol na sumbong nito sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapang ituloy ang kasal n’yo, gano’n ba ang gusto mo?” lumuluha na ring turan ni Sonia. Niyakap nito nang mahigpit ang anak. “Alam mo bang pinatalsik na rin ako sa kumpanya? Lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin.” Natigil sa pag-iyak si Vivian. “What d
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status