One Night With A Stranger

One Night With A Stranger

By:  corasv  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
43Mga Kabanata
4.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Jewel wants her mother to love her. She grants her request even though it leads her to certain doom. Her world seemed to fall apart when she found out about her mother's dark secret. Her sister is incapable of conceiving. And when Jewel gives birth, they will take the child from her. But this is not the only thing that shocked Jewel. Because the father of her future child is her sister's fiancé.

view more
One Night With A Stranger Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
43 Kabanata
Diclaimer
No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without written permission from the author. (Republic Act no. 10372)This story doesn't mean to disrespect any profession, all professions are noble. The plot and ideas are all because of the author's imagination.This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, schools, places, events and incidents in this story are all fictional. Whatever similarities you may encounter in real-life or actual persons, living or dead, are purely coincidental. All rights for products, brand name, and establishment goes to its respectful owner.Copyright ©️ 2022 Cora Vargas
Magbasa pa
Kabanata 1
PAGPASOK ni Jewel sa malawak na lawn, kitang-kita niya ang inang si Sonia na kasalukuyang nakahiga sa lounge chair malapit sa kanilang swimming pool. Nakasuot ito ng swimming suit at umuusok ang bibig na parang tambutso ng sasakyan. Nakita niyang pinitik nito ang sigarilyo at inapakan.Huminga nang malalim si Jewel bago nagpatuloy sa paglakad. Tinunton ang daan patungo sa kinaroroonan ng ina.“Good morning, Ma.” Umakmang hahagkan niya sa pisngi ang ina, subalit mabilis na umiwas ito.“Morning,” ang matabang ding tugon ni Sonia. Ni hindi nag-abalang tanungin si Jewel kung saang lupalop ba nagpalipas ng magdamag ang dalaga.“Ma…” anas niya. Napalunok siya at napakagat-labi. Hindi pa rin kasi siya nasanay sa pambabalewala na natamo buhat sa ina. Hindi ito umimik, nag-angat lang ng mukha upang salubungin ang sinag ng araw. “H-hindi po ako natulog dito kagabi. Inimbita kasi ako ng kaibigan ko sa kaarawan niya.”Nagbaba ito ng mukha. “O, e, ano naman sa ‘kin? Kahit naman saan ka pumunta ay
Magbasa pa
Kabanata 2
“MAHAL”–ang katagang ito kailanman ay hindi maramdaman ni Jewel sa kanyang kaibuturan. Nag-iisang salita, subalit lubhang napakahirap sa ina na ipadama sa kanya, subalit hindi kay Vivian. Sa musmos niyang edad, ramdam niyang magkaiba ang tingin nito sa kanilang magkapatid. Kahit na anong paraan ay ginawa na niya maramdaman lang na mahal siya ng ina. Jewel studied hard because she wanted her mother to be proud of her. At kahit na halos lahat ng medalya sa baytang ay iakyat niya sa tahanan nila, balewala ‘yon sa ina. Samantalang si Vivian na makailang ulit bumalik ng high school, wala siyang narinig mula sa ina. “Hindi ko kailangan ang mga medalyang ito!” Binato ni Sonia kay Jewel ang medalya. “Kahit na ano'ng gawin mo, hindi mabubura ang katotohanan na isa kang pagkakamali.” Pagkakamali? Naisip niya noon na baka isang pagkakamali nang siya ay isilang nito. Sana nga ay hindi na. . . kung ganito lang din naman ang pakikitungo nito sa kanya. Ni minsan, hindi siya nito pinagmalaki sa
Magbasa pa
Kabanata 3
NANG pumailanlang ang sweet music, kinabig siya ni Tristan. Uminit ang mukha niya nang mapasandal sa dibdib ng binata. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso nito.“Paniwalaan mo kaya ang sasabihin ko sa ‘yo, Jewel?”Nag-angat siya ng mukha. Nakita niya ang paggalaw ng adam’s apple nito.“A-ano ba ang sasabihin mo?”“Gusto kita, Jewel,” pag-amin nito.Totoo ba ang narinig niya?Baka naman ilusyon pag-ibig niya lang ‘yon?“T-totoo ba ang sinasabi mo, Tristan?”“Yes. Gusto kita, Jewel. M-mahal na nga yata kita.” Tila iyon isang tape recorder na panay rewind sa utak niya. Naramdaman niyang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang buhok sa likuran.To the highest level ang kaligayahang nadama niya sa gabing iyon. Ika nga, walang katumbas. Kaligayahang pinutol ng galit na galit na tinig ng kanyang ina na biglang lumitaw sa gitna ng malawak na lawn.Nabitawan siya ni Tristan nang biglang may humalbot sa buhok niya mula sa kanyang likuran. Nasaktan siya. Pakiramdam niya ay matatanggal ang k
Magbasa pa
Kabanata 4
NAILIBING si Cesar pagkaraan ng apat na araw. At sa pagpanaw nito, pakiramdam ni Jewel, lalo siyang nag-isa sa mundo. Naulila. May ina pa, subalit hindi naman ganap na maangking ina. Dahil kahit pumanaw na ang kanyang ama, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Mama Sonia. Hindi pa rin niya maramdaman ang pagmamahal nito na kay tagal niya nang inaasam-asam. May kapatid, subalit napakalayo ng kalooban nito sa kanya. At dahil doon, nais na rin hilingin ni Jewel na sana’y tulad ng kanyang ama, namatay na rin siya. Ano pa’t nabuhay siya sa mundo kung puro paghihirap at pasakit lang ng kanyang kalooban ang nadarama. Isang mapagpalang kamay ang naramdaman nang nagdadalamhati na si Jewel. Napatingin siya sa kamay na nakadantay sa kanyang balikat. “Gabi na, Jewel, oras na para umuwi ka.” “Yaya Lourdes,” usal niya nang mag-angat siya ng mukha. Ang butihing matanda na nag-aruga, at nagmahal sa kanya. “Tama na ang pag-iyak. Baka makasama sa ‘yo. Halos buong burol ng iyong Papa, um
Magbasa pa
Kabanata 5
MULING isinara ni Vivian ang pinto ng library kaya naman tumama ang wine glass sa pinto. "Ma!” ani Vivian nang muling buksan ang pinto at pumasok ng library. “Muntik na akong tamaan ng pinalipad mong wine glass.” “I’m sorry.” Nasapo ni Sonia ang sariling noo. “Nakakainit kasi ng ulo ang ginawa ng iyong ama!” “Speaking of him, nabanggit niya sa testamento na may kapatid siya. Bakit hindi niya nababanggit sa ‘tin?” Umupo ang dalaga sa silya. “I don’t know. Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Wala siyang nabanggit sa ‘kin tungkol sa kapatid niya at sa mga naiwang ari-arian ng kanilang pamilya.” Marahas na umupo sa ottoman chair si Sonia. “Inaasahan ko na sa akin o sa ‘yo mapupunta ang kumpanya. At ang nakakainis pa ay iba ang inihalili niya sa posisyong Director. Matagal ko nang inaasam ang posisyong ‘yon.” “Ma, anak ba talaga ako ni Papa?” seryoso ang mukhang tanong ni Vivian. Natigilan naman si Sonia. Hindi magawang salubungin ang mga mata ng anak. “O-oo naman.” “E, bakit gano’n?
Magbasa pa
Kabanata 6
NAGSIMULANG kumain si Sonia. Kapuna-puna namang kung anu-ano ang hinihingi ni Vivian na lalong ikinataranta ni Jewel. At nang halos ay sabay pang natapos ang dalawa kumain, muli siyang tinapunan ng maawtoridad na tingin ng ina. “As what I’ve said, titigil ka na sa pag-aaral mo. Wala na si Yaya Lourdes at Pacing. Ikaw na simula ngayon ang gagawa sa lahat ng gawaing bahay pati ang pagluluto.” “Pero, Ma!” tutol niya. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata, nagbabadyang lumuha. “Hindi pa tapos ang aking sinasabi kaya ‘wag kang sumabat, Jewel!” Nanlilisik ang mga ni Sonia. Kagat-labi siyang natahimik. At walang nagawa kung hindi ang humanda sa iba pang sasabihin ng ina. “Wala na akong ipapasahod pa sa kanila. Isa pa, hindi naman na kayo alagain pa ni Vivian. Kaya nagdesisyon ako at ‘yon ay final. Titigil ka sa pag-aaral at magsisilbi sa amin ng anak ko. Wala na rin akong sapat na pera para matustusan ang pag-aaral mo.” “Ma, first year college pa lang po ako at magsisimula pa lang. Ayo
Magbasa pa
Kabanata 7
NAISIP niya, mas mahalaga kay Vivian ang career bilang modelo kaya hindi nito mabibigyan ng apo ang ina nila. “P-pero, Ma…” ang layon niya ang magprotesta. It’s unfair! Napakabigat naman yatang kasunduan niyon kapalit ng hinihingi niya at inililimos na pagmamahal mula sa ina. “Hindi mo kayang gawin? Pwes, wala kang aasahan sa akin!” asik ni Sonia na nagmumura pang tinalikuran siya. Iniwan siyang tigagal at hindi makahuma. Ganoon ba kababa ang tingin ng ina sa kanya para gawin ang hinihiling nito? Nagtatalo sa isip kung pagbibigyan ang ina o hindi sa kagustuhan nitong gawin niya kapalit ng inaamot niya buhat dito. Bakit ba napakahirap para sa ina ang mahalin siya? Ang sakit-sakit namang kahilingan niyon. Lalo na’t wala naman siyang nobyo. Kanino siya pasisiping? Sinong matinong lalaki ang bubuntisin siya, mabigyang kasiyahan lamang ang ina? Mabilis na pinahid ni Jewel ang luhaang mga mata sa pagsigid ng mapait na alaalang iyon sa kanyang gising na diwa. Doon natapos ang pagbaba
Magbasa pa
Kabanata 8
MALALIM siyang humugot ng paghinga bago marahang tumango. “Yes, you’re right. Kailangan ko talaga ng tulong mo.” “Ows?” “Very badly…” Mixed emotions ang nabasa niyang bumadha sa mukha ni Rochelle, matapos na sa pahikbi-hikbing paraan ay isatinig niya rito kung bakit naroon siya at kailangang-kailangan ang tulong nito. “Tsk! Kahit kailan talaga, shit sa akin ‘yang kapatid mo!” pagigil nitong sabi. “At pati na rin ang ‘yong ina! Hanggang ngayon pala, wala pa ring mabango sa kanya kung hindi ang paborito at pinakamamahal niyang anak! Paano nila naatim na gawin kang katulong? Kung bakit naman kasi nagtitiis ka pa? Napakamasunurin mong anak na ewan! Mabuti na lang at natuloy ang pag-aaral mo." “Pinilit ko kahit napakahirap, dahil para akong salarin na nagtatago kay Mama. Ayokong malaman nilang palihim akong nag-aaral kapag wala sila sa bahay. Isang taon na lang at ga-gradweyt na ako. Pangako, tutulungan kita, Rochelle. Aalisin kita sa lugar na ito. Konting tiis na lang.” “Naku, ‘wag
Magbasa pa
Kabanata 9
HINILA siya palabas ni Rochelle sa pinagtatrabahuan nito. “Anybody, mga past costumer mo, will do for me. Huwag lang ang bouncer security ng bar na ito,” pilit ni Jewel sa kaibigan. Matagal na hindi kumibo si Rochelle. Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. Na wari bang binabasa ang kalooban niya. “Ikaw ba’y sigurado sa gusto mong mangyari?” Tumikhim siya upang alisin ang kung ano mang bumara sa lalamunan niya bago sumagot. “Yes, hundred percent sure ako. Hindi na magbabago ang aking pasya.” “Sa gagawin mo, sinasabi ko sa ‘yo, you have to be strong. To be brave. Ibig ko sabihin, ‘yong consequences. B-baka umasa ka pagkatapos ng ‘laro’ na gusto mong mangyari, maglumuhod sa ‘yo ang lalaki para pakasalan ka.” Para siyang ngumuya ng ampalaya sa pait ng ngiting bumalatay sa labi niya. Ngunit pilit na ikinukubli ang pait na nararamdaman. “Ang mga lalaki ay hindi ganoon, alam ko.” “Absolutely. At hindi ang lalaking nasa isip ko na siyang makakasiping mo, Jewel.” Biglang lumiwanag
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status