All Chapters of Falling To The Arrogant CEO: Chapter 21 - Chapter 30
86 Chapters
CHAPTER 21
Makalipas ang isang oras ay nasa helipad na sila nang Monteclaro Hospital. Sa di kalayuan ay naghihintay ang kanyang tito na si Doktor Amando Monteclaro. Ang ama ni Abegail Monteclaro na bunsong kapatid ng ama ni Steve. “Good evening tito, how’s Miss Loisa Sanchez?” Agad na tanong ni Steve sa kanyang tito matapos siyang bumati dito. Kasalukuyan silang nasa elevator pababa sa palapag kung saan naroon si Loisa. “Good evening too, iho about the lady she’s under observation right now. Hindi pa rin siya nagigising mula nang dinala siya rito sa ospital,”sagot naman ni Doktor Amando. “Bakit hindi pa po siya nagigising tito?” Tanong ni Steve. Hindi na maitago pa sa kaharap ang kabang nadarama ni Steve at batid ‘yon ng kanyang tiyuhin. Kaya minarapat na rin ng doctor na sabihin sa pamangkin kung ano ang tunay na kundisyon ng babae nang ito ay dalhin sa ospital. “Actually nagkaroon siya ng internal bleeding that night they brought her here, mabuti na lang at naagapan agad,” sabi ng doctor
Read more
CHAPTER 22
“How’s is she tito?”Kinakabahang tanong ni Steve sa kanyang tito ng makabalik na ito sa kanyang opisina. Matapos maka-usap ni Steve ang kanyang abogado ay bumalik na rin siya sa opisina ng tiyo. Tahimik silang pareho ni Abegail na naghihintay sa muling pagbalik ng doctor. Ngayong nakabalik na nga ito mula sa operating room ay tarantang tumayo si Steve at sinalubong agad ng tanong ang tiyuhing doctor. “Calm down, Steve, she’s gonna be fine. She’s so brave I’m glad you find her,”nakangiting sabi ni Doktor Amando. “Thank’s God, thank you tito,”sabay hawak sa kamay ng tito. Niyakap na lamang siya ng kanyang tito upang kahit papaano ay maibsan na rin ang kanyang pag-aalala. “Hey, wait what did you said dad? He find, what!?”Nakangiting usisa ni Abegail sa ama sabay turo kay Steve. “Talagang tsismosa ka ‘no, bumalik ka na nga sa upuan may pag-uusapan tayo,”ngayon ay nakangiti nang sabi ni Steve. “Not until you explain what I heard from dad’s mouth,”naka cross-arms pa nitong sabi. “Ok
Read more
CHAPTER 23
Pasado na alas tres ng madaling araw nang marating ni Atty. Miguel ang ospital. Mabuti na lang kahit papaano ay nakaidlip rin naman siya habang nasa byahe. “Bigyan mo ako ng mainit na kape ng magising naman itong mga dugo ko sa pinag-gagawa mo sa akin,”sabi ni Miguel kay Steve. Nasa lobby ng ospital si Steve noon at inaabangan na ang pagdating ng kaibigang abogado. Idlip lang din ang ginawa niyang pagtulog, hangga’t maaari gusto niyang gising siya bente kwatro oras ng mbantayan niya ng mabuti ang babae. Ngunit pinakiusapan siya ng kanyang tito na magpahinga at umidlip kahit saglit nang sa ganon pag-gising ni Loisa ay maliksi pa rin siya. Tumalima naman siya ngunit sa bandang huli nga lang ay medyo sumakit na ang kanyang ulo dahil hindi na siya dinalaw pa ng antok. “Heto pinabili ko na, mainit-init pa ‘to,”nakangiting sabi ni Steve. Sabay angat ng dalawang tumbler ng mainit-init pa na kape. “Salamat naman kung ganon,”wala pa ring buhay na sabi ni MIguel. “Ayaw mo ‘ata e,”sabi ni
Read more
CHAPTER 24
Halos mahigit isang oras din ang biniyahe nina Steve papunta sa sinabing lumang bodega ng kanilang tauhan. Sa videong ipinadala sa kanila ni Berdugo habang nasa biyahe pa sila ay kitang-kita nina Steve at Miguel kung papaano pinahihirapan nang mga ito ang isang lalaki. Halos hindi na maimuklat ang mga mata nito dahil sa sobrang maga at basa na rin ng sariling dugo ang mukha nito.“Sino ba kayo, ano ba ang kasalanan ko sa inyo?”Nanginginig sa takot na sabi ng lalaki.Wala ni isang sumagot sa mga tanong ni Roy. Naka-maskara ang grupo nina Berdugo kaya litong-lito talaga ang lalaki kung sino ang mga taong nambubugbog sa kanya.Sa di kalayuan nakatayo sina Steve at Miguel na parehong nakamaskara rin tulad ng iba pang mga tauhan.“Kamusta ka?”Bati ni Steve.“S-sino ka? Para n’yo na pong awa pakawalan n’yo na po ako,”pagmamakaawa ni Roy.“Wala po akong pera, k-kung g-gusto po ninyo ‘yong ina na lang po ng anak ko maganda po si Loisa sa inyo na lang po,”kandautal-utal na sabi ni Roy.Steve a
Read more
CHAPTER 25
“Oh my, ano ba naman ‘yan caz,”sigaw ni Abegail. Inakala nitong naghahalikan sina Steve at Loisa nang mabungaran ang dalawa sa loob ng silid. “What the heck, hindi ka ba marunong kumatok?”Galit na sabi ni Steve ng dahil sa gulat. Idinaan niya na lamang sa sigaw at galit ang hiyang nararamdaman nang inakala ng kanyang pinsan na hinahalikan nito si Loisa. “Excuse me, malay ko ba na nandito ka na. Ang sabi mo sa akin may lakad kayo ni Miguel,”sabi ni Abegail. “Good morning po sir,”sabad naman ni Ciara. “Di ba Gail ang sabi ko kanina papuntahin mo si Ciara para mabantayan ang isang ‘to,”sabi ni Steve sabay turo kay Loisa. “Bakit ngayon ka lang Ciara?”Inis na tanong nito sa dating sekretarya. “Let me explain okay,”sabi ni Abegail na hinarang pa ang sarili kay Ciara. “Sobrang aga pa kanina at napuyat kaya kami sa pakikipaglaro sa dalawang bata, isa pa caz may mga nurses naman na titingin kay Loisa,”dagdag pang sabi ni Abegail. “Kahit na iba pa rin ‘yong kayo ang nagbabantay kung
Read more
CHAPTER 26
Panglimang araw na ngayon ni Loisa sa ospital at personal siyang inaasikaso ni Steve. Nahihiya man pero kinapalan niya na rin ang kanyang mukha. Batid niya sa sarili na kailangan nilang mag-ina ang tulong ng lalaki at ng pinsan nito. Gayundin ang ama ni Abegail na kanyang doktor na personal ding nag-aasikaso ng kanyang health status ayon sa kahilingin ng pamangkin nitong si Steve. “Sir, maraming salamat nga po pala sa tulong ninyo sa aming mag-ina,”sabi ni Loisa. Ngunit hindi siya narinig ng kanyang among lalaki dahil abala ito sa kanyang ginagawa. “Ah, Sir mukhang pagod na rin po kayo at mukhang inaantok na rin po,”dagdag pa nitong sabi. Basag ni Loisa medyo naaasiwa na kasi siya sa presensya ni Steve na nasa kanyang silid mula pa kaninang pagkagising niya. Nasa sofa ito at kasalukuyang tinitiningnan ang kanyang laptop upang makita ang mga report ng kumpanya. Kahit naka indefinite leave siya ay hindi pa rin naman pinababayaan ni Steve ang kanyang kumpanya. Lalo pa ngayon na ang
Read more
CHAPTER 27
Akmang tutulungan na sana ni Loisa si Ciarang magligpit ng mga gamit nito ng sinaway siya ng huli. “Ano ka ba Loisa, ako ng bahala sa mga gamit mo,”sabi ni Ciara. Napagkasunduan nilang pareho na hindi na masyadong maging pormal ang kanilang tawagan sabagay magkaibigan na rin naman daw ang kanilang turingan. Ngunit kapag nasa kanilang opisina sisiguraduhin na lamang raw nila na i-a-address ng tama ang co-worker na naaayon sa polisiya ng kumpanya. “Humiga ka na lang muna diyan pwede, habang hinhintay natin ang pagdating ni sir Steve,”dagdag pa nitong sabi. “Nakakahiya na kasi sa iyo, Ciara ang laki na ng naitulong mo sa akin,” Matapos kasi ang halos kalahating buwan niyang pananatili sa ospital ay sa wakas pinayagan na rin siya ng kanyang doktor na umuwi na sa kanilang bahay. Meron pa rin namang gamutang mangyayari sabi ng kanyang doktor ngunit pwede na rin naman itong gawin sa bahay ang importante hindi makakaligtaang inumin ang mga gamot upang mas mapadali pa ang paghilom ng
Read more
CHAPTER 28
Lubos ang kasayahang nadarama ni Loisa ng pumarada na sa garahe ng mansion ang kanilang saksakyan. “Sa wakas makikita ko na rin ang anak ko,”nakangiting bulong niya sa sarili. Sa unang pagkakataon ngayon lang nangyari sa kanilang mag-ina ang magkawalay nang matagal kaya sobrang saya niya ng masilayan ang masayang mukha ng anak. “Inay! Inay!” Masayang salubong ni Loyd sa ina. “Oh, dahan dahan iho baka madapa ka,”saway naman ni Nanay Marie na halos patakbong nakasunod sa bata. “Mommy!” Nakangiti ring salubong ni Bianca. Mabilis na lumabas si Loisa ng sasakyan nang makita ang dalawang bata na masayang tumatakbo papunta sa kanilang direksiyon. “Oh, dahan-dahan kids,”sabi ni Loisa. Ibinuka ni Loisa nang malapad ang dalawang kamay upang sabay na masalo ang dalawang batang nag-uunahang mayakap siya. Nang halos magkasabay na napayakap ang dalawang bata sa kanya ay muntikan pa siyang ma-out of balance, mabuti na lamang at mabilis na umalalay si Steve sa kanyang likuran. Napayakap na r
Read more
CHAPTER 29
Kinaumagahan ay maagang nagising si Loisa at nang masilayan niya na mahimbing pa ring natutulog ang anak ay kinantian niya na lamang ito ng halik sa pisngi at dahan –dahang bumaba ng kama. Naligo muna siya bago lumabas ng kanilang kwarto, akma na siyang lalabas nang tumunog ang kanyang selpon. Nang silipin niya ang telepono ay ang matalik niyang kaibigan pala ang tumatawag. “Hello, Ysa good morning,”masayang bati ni Loisa. “Girl, kamusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nag-uusap paano ba naman kasi maraming ako ginagawa sa school,”sabi ni Ysabelle. “Na-miss kita beshy,”halos ma-iyak na sabi ni Loisa. “Ako rin besh, sobrang miss na miss ko na kayo ni Loyd,”sabi ni Ysabelle. “Kamusta na pala ang inaanak ko?’Dagdag pa nitong sabi. “Heto tulog pa, sa awa ng Diyos mabuti naman beshy,”sabi ni Loisa sa kaibigan. “O siya, baka sa makalawa kapag ka hindi matutuloy ‘yong seminar namin ay papasyal ako sa inyo,”balita ni Ysabelle. “A e, besh wala kami sa bahay e, hindi mo ba nabalit
Read more
CHAPTER 30
Nang mahimasmahan na ay dahan-dahang inilayo ni Loisa ang kanyang katawan mula sa pagkayap ng lalaki. Ngunit laking gulat niya nang ayaw pa siyang bitawan ni Steve. “Ah e, s-sir p-pasensiya na po kayo medyo hindi po ako makahinga e,”nahihiyang sabi ni Loisa. Niluwagan ni Steve ang pagkayap sa babae pero hindi niya pa rin inialis ang pagkakahawak sa baywang nito. “Ah Sir ‘y-yong k-kamay nyo po nasa beywang ko pa po e,”dagdag pang sabi ni Loisa. “I know sweety,”Nakangiti na ngayong sabi ni Steve. “B-baka po may makakita sa atin sir kung ano pa po ang iisipin,”sabi ni Loisa na hindi makatingin sa among lalaki. Ang kaninang gutom na nararamdaman ni Loisa ay tila biglang nawala, palagay niya nabusog siya sa presensiya ni Steve. Lalo na ang mga maskuladong muscles nito na nakayakap sa kanya. “I don’t care sweetie, besides kung hindi ka umiyak recently wala sana tayo sa ganitong posisyon,”nangutnguya pa nitong sabi. “Ah ganon, ako pa pala ngayon ang may kasalanan sir?”sabi nito sabay
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status