NAGISING SI Mia kasabay nang paghikab niya. Ininat niya ang katawan at saka parang may sariling isip na kusang ngumiti ang mga labi niya. Bakit ba ang gaan ng pakiramdam niya? Maging siya hindi niya alam kung bakit sa kabila ng mga nalaman niya tungkol kay Jondray, malaki pa rin ang tiwala niya sa binata. Lingid sa mga kaalaman niya, isa itong mapanganib na tao. Gayunpaman, hindi siya takot, wala siyang maramdaman na rason upang matakot siya. Inaantok pa siya pero dahil gusto niyang bumawi kay Jondray, gumising siya nang maaga. Lumingon siya sa natutulog na binata sa may gilid niya. Buti na lang may harang na malaking unan sa pagitan nila ng binata kaya kahit malikot siya matulog ay hindi niya ito naistorbo. Sana nga hindi ko naistorbo si Jondray. Pero sa pagsusuri niya, mukhang hindi naman, kasi maayos pa ang unan sa pagitanan nila. Mahimbing ang pagkakatulog nito at mukhang anghel na bumaba sa langit ang mukha nito. Bumangon na siya, kinusot niya ang mga mata at tumingin sa kapali
Magbasa pa