"Good morning, Amire." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Leonardo sa likod ko. Hawak niya ang tablet niya habang papalapit sa akin, at kahit ordinaryong greeting lang iyon, hindi ko maiwasang ngumiti dahil hindi na awkward ang presence niya sa akin tulad noong mga unang araw ko rito. "Good morning, Doc. Maaga ka today akala ko ba may meeting ka pa mamaya at kailangan mong maghanda ng reports bago 'yon? Hindi mo kailangang magmadali para lang makasabay sa akin, lalo na kung hindi ka pa nakakapagpahinga nang maayos kagabi." "Actually, ikaw ang maaga," sagot niya habang bahagyang natatawa. "I checked the schedule and nakita kong may report review ka before the first assignment, kaya naisip kong baka gusto mong sabay tayong mag-breakfast before everyone gets busy. If you're already occupied, okay lang naman, pero mukhang hindi mo pa nagagalaw ang coffee mo, so I'm guessing hindi ka pa talaga nag-breakfast at kung kilala na kita nang kaunti, malamang sasabihin mong okay ka lang
Read more