"See you tomorrow, Agent Amire. Pakiusap, mag-ingat ka sa gagawin mong report. Kung may maalala ka pang iba tungkol sa sample, huwag kang umasa sa alaala mo lang. Isulat mo agad kahit parang walang kinalaman, dahil ang mga detalye tulad ng amoy, pressure, temperatura, o galaw ay malaking tulong para malaman natin ang nangyari." "See you tomorrow, Dr. Diaz. Gagawin ko na po agad ang report pagbalik ko, at ilalagay ko ang lahat ng natatandaan ko. Salamat sa pakikinig sa field observation ko. Kadalasan kasi, ang mga scientist dito sa sample lang nakatutok, pero pinakinggan niyo rin ang taong nakadiskubre nito. Na-appreciate ko po 'yon." Lumabas na siya kasama si Marcus. Naiwan akong nakatitig sa p***o nang ilang segundo. "Who is she?" Liningon ko ang girlfriend ko. "New agent. Kasama siya sa field team, at siya ang unang nakapansin na may mali sa container bago pa man ma-scan. Tinatanong ko lang siya tungkol sa sample at sa background niya dahil kakaiba ang naging obserbasyon niya.
Read more