Mula noon, lalo kong binusy ang sarili ko. Halos bawat araw ay may field missions, surveillance assignments, medical investigations, at scientific support operations, at kapag natapos ang official work ko, madalas ay nananatili pa ako sa research unit para tumulong sa analysis ng biological samples bago ako umuwi sa residence. Hindi na ako naghihintay kung nasa cafeteria si Papa. Hindi na rin ako dumadaan sa laboratory floor kung wala akong official reason. Kapag nakita ko siya sa elevator, minsan ay nauuna akong bumaba kahit hindi pa iyon ang floor ko, at kapag nakita ko siyang kasama ang girlfriend niya, pinipili kong mag-focus sa tablet ko para hindi ko na kailangang isipin kung gaano sila ka-close. I kept telling myself that this was necessary. Pero habang tumatagal, napapansin kong hinahanap pa rin siya ng mata ko. Hindi ko man siya nilalapitan, gusto ko pa ring malaman kung okay siya, kung nakapagpahinga ba siya, kung kumain ba siya, kung naging successful ba ang research niy
Read more