All Chapters of YOUNG AGAIN: Chapter 41 - Chapter 50
79 Chapters
Chapter 39
Noah's Pov:Kahit abala ako at marami akong ginagawa, iniisip ko parin ang kalagayan ng wifey ko.Isang himala ang magising siya na parang hindi siya na-comatose. Mabuti na lang at ang bilis ng recovery niya. Siguro nga ay dahil na rin iyon sa araw-araw na paghilot sa buong katawan niya. Hindi ko hinahayaan na nakahiga lamang siya. Palagi ko siyang pinapaupo.Kumuha rin ako ng personal na maghihilot at therapist para sa kan'yang buong katawan niya. At siguro dahil na rin sa aming pagdadasal kaya siguro mas lalong gumanda ang katawan niya. Kahit kasi nakahiga siya, gumaganda na ang kulay ng kan'yang balat at labi.Matapos ang aking operasyon ay pagod na pagod ako kaya nagtungo agad ako ss aking opisina. Dere-deretso ako sa aking opisina upang makapagpahinga na. Kauupo ko pa lamang sa aking swivel chair, nang bumukas ang pinto."Hi, Dr. Noah!" Bungad ni Dra. Briones, na nakasuot ng kulay pula na maiksing bestida at kita na halos ang kalahati ng kan'yang dede. Napaiwas ako ng tingin ng tu
Read more
Chapter 40
Noah's Pov:Nang makaalis ang aming mga bisita ay kaagad kaming umakyat sa kwarto ng aking mag-iina. "Shower na ikaw, baby!" malambing na wika ng aking asawa sa aming anak.Pinapanood ko lamang ang aking mag-ina habang sila ay naghahagikgikan sa loob ng banyo ng aking anak. Nang magsawa sa kakatingin ay natungo ako sa kama ng aking anak at umupo upang doon na lamang mag-antay sa kanilang dalawa."I've always dreamed of this po, mommy!" Narinig kong salita ng aking anak sa kan'yang mommy. Sa wakas ay nararanasan niya na ulit ang mapaliguan ng kan'yang ina."Hindi ko po kasi natatandaan 'yung dating pinapaliguan mo 'ko, mommy," dagdag pa niya na tila may lungkot ang boses."Mommy, will always do this na... hmm..." malambing na tugon ng aking butihing asawa na ikinangiti ko.Tila naman inihehele ako sa alapaap habang naririnig ang pag-uusap ng aking mag-ina. Sa iba siguro ay marahil ay korni ito, ngunit sa akin ay tila isang magandang musika ang marinig na masayang nag-uusap sila.Dalaw
Read more
Chapter 41
Karina's Pov:Nagpasya akong hintayin ang aking asawa sa may balcony. Hindi naman siguro magtatagal iyon. Naglagay lang ako ng balabal upang hindi ako masyadong ginawin."Rina, iha? Sa loob mo na lang hintayin si Noah, masyadong malamig dito sa labas" nag-aalalang sambit ni manang Palomena."Ayos lang ako, manang," sagot ko sa mababang tono habang hinigpitan ang aking balabal sa katawan."Oh siya dadalhan kita ng mainit na tsaa," wika niya.Tumango lamang ako at tumingin sa malayo.Mamaya pa ay agad niyang inilagay sa lamesita sa aking harap ang tsaa."Ayos ka lang ba dine, iha?" tanong niya pa sa akin."Opo, manang. Matulog na din po kayo, ayos lang po ako dito. Maraming salamat po sa tsaa," sambit ko sa mababang tono.Kaagad kong hinawakan ang tasa ng tsaa upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Tila napawi naman ng kainti ng ito'y aking higupin."Ay, siya! papasok na ako muli sa loob," wika niya at agad naman ng pumasok sa loob.Mahigit isang oras ang nakalipas nang matanaw k
Read more
Chapter 42
Gabi na nang makahanap kami ng aking anak ng matutuluyan dito sa malayong probinsiya sa norte. Mabuti at may nahanap ako na maliit na bahay na tamang-tama para sa amin ng aking anak. Sa wakas ay makakapagpahinga na kami ng maayos.Ibang pangalan ang ginamit ko upang hindi kami mabilis mahanap, kung hahanapin man kami ni Noah. Itinapon ko din ang aking simcard para hindi ako matawagan o ma-text ng kahit na sino man.Ngunit kinabukasan, may kumatok sa aming maliit na bahay na inuupahan."Harvey?" Nanlaki ang aking mata nang makita siya sa aking harapan."Pwede bang pumasok?" Ngiti niya sa akin.Nakakunot ang aking noo habang pinapapasok siya sa munting sala namin."Pa'no mo nalaman na andito kami?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya."Ang totoo niyan, pinapasundan kita simula ng mabangga ka."Pagtatapat nito sa akin.Wala rin palang kwenta yung pagpalit ko ng pangalan at pagtapon ko ng simcard. Bakit naman ang bilis nitong mahanap ako! May sa demonyo ba itong lalakeng ito?!"Ha?
Read more
Chapter 43
Noah's Pov:Pagbaba ko galing ng aking silid ay nakita kong nag-aantay na ang aming pilotong si Adam sa aming sala."Akala ko ba magsusundo ka ng asawa at anak?" matawa-tawa niyang bigkas."Oo nga!" sagot ko habang nakapamulsa."Ang angas pare! Akala ko aattend ka ng famas award!" Sabay halakhak nito."Gago! Ganito dapat ootd ko para 'di ako matanggihan ni Rina!" Sabay ikot at papogi ko. Umakto pa 'ko na parang may binaril sa dulo."Hayop na yan!" pailing-iling niya sabay tawa. "Ang seryoso mong tao dati, pare! Anong nangyare?" Hindi pa rin matigil ang tawa ng gago."Hindi naman masamang magpapogi, lalo na kung para sa taong mahal mo." habang itinataas ko ng palitan ang aking dalawang kilay."Ewan ko sa'yo!" pailing-iling itong ngumisi.Nakita nitong parating si Mercy, dala ang aming meryenda."O, andito na pala 'yung kape natin. Uminom muna tayo para naman nerbyosin ka kahit pa'no," Matawa-tawa nitong saad.Ibinaba naman ni Mercy ang mga kape sa lamesita kasama ang tinapay na may pal
Read more
Chapter 44
Karina's pov:Pakiramdam ko marami akong nagawa ngayong araw, pagod na pagod ako at hingal na hingal. Humiga ako sa papag para sana magpahinga kahit saglit lamang ngunit dinapuan na ako ng antok at agad naman pumikit ang aking mga mata."Oh, Rina? Hindi mo kasama si Noah?" tanong ng isang katrabaho ko nang ako ay pauwi na.Sanay silang kasama o sinusundo ako ni Noah pero nitong mga nakaraang araw ay palagi na siyang abala sa kan'yang duty sa hospital. Naiintindihan ko naman iyon. Sabi nila pag hindi mo madalas nakakasama ang taong mahal mo, iyon daw kung minsan ang nagpapatibay sa relaasyon ninyo. Kasi kung palagi na lang kayong magkakasama ay baka madaling magsawa ang isa't-isa. "Kawawa naman siya, wala siyang kaalam-alam na may ibang babaeng inaalagaan ang boyfriend niya sa hospital. Ang sobrang sweet nila, ngayon lang ako nakakita ng doctor na iginagala ang pasyente para makalanghap ng sariwang hangin. Parang sobrang sepesyal naman ng gan'on!" pagpapahaging ng isang babae sa aking
Read more
Chapter 45
Third person Pov:Madaling araw pa lang ay nagising na si Rina, kaya naman maaga din siyang nagluto ng kanilang agahan. Pagkatapos maihain ang mga niluto ay nagpasya siyang magwalis muna sa labas. Madilim pa rin sa labas at ni walang taong dumadaan. Tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig. Ngunit sa paglabas niyang iyon ay may nakaabang na palang panganib.Habang nagwawalis ay may isang lalake ang dahan-dahang naglakad mula sa kan'yang likuran. Agad nitong tinakpan ng panyo ang bibig ni Rina, nagpupumiglas pa si Rina ngunit kalaunan ay nawalan din ito ng malay. At nang mawalan ito ng malay ay agad itong isinakay sa lumang sasakyan.Tinalian niya ang dalawang kamay ni Rina pati na ang kan'yang dalawang paa upang hindi ito makatakas sakaling magising."Dala ko na ang babae," Wika ng lalake na dumukot kay Rina sa kanyang kausap sa selpon."Mabuti! Dalihin yan sa bodega at 'wag pakainin kung sakaling magising! Papunta na ako!" sagot ng babae sa kabilang linya.Isang malaking b
Read more
Chapter 46
Nang makalipas ang ilang buwan ay iniwan na ako doon ni Juanito. Ang sabi niya ay may naiwan siyang trabaho sa maynila. Naiwan ako kasama ng kan'yang ama't ina pati na ang dalawa niyang kapatid.Silang lahat ay tinutulungan ako sa tuwing may sakit ako hanggang sa aking panganganak. Nakasanayan ko na din ang pamumuhay dito."Napakaguwapo ng iyong anak, Tatiana! Ang tangos ng ilong. Parang anak ire ng porener ah!" Wika ng kapitbahay naming si Aling Fe."Aba'y, oo nga ano!" sang-ayon din ni Milagros na aking kasama lagi sa palengke."Siguro ay mayaman kayo, Tatiana! Tingnan mo naman ang balat mo, napakaputi mo at napakakinis!" wika ni Winona na kasa-kasama ko din sa palengke. "Tila isa kang modelo sa iyong tindig. Kaya yung mga kalalakihan dito sa ating baryo ay nagkakanda haba ang leeg kakasulyap saiyo." saad pa nito.Nangingiti na lang ako sa mga pinaguusapan namin. Kahit panget siguro ang aking asawa ay tatanggapin ko basta ba ay mayroon pa ako noon na alam ko na hinahanap ako."Uy, T
Read more
Chapter 47
Karina's Pov:Sa mga sumunod na araw ay palaging nakabuntot sa akin si Noah, na ikinapagtaka ko. Laging nakabuhos ang atensyon niya sa amin, lalo na sa akin. Wala ba siyang trabaho? Para siyang laging mapera. Ano kaya ang pinagkukunan niya ng pera? Ilang buwan na rin siyang palaging narito sa amin ni Gadriel. Pakiramdam ko nga ay siya ang asawa ko dahil sa sobrang pagaasikaso niya sa amin. Ilang beses niya kaming pinasasalubungan ng kung ano-anong klase ng damit, na animo'y tatay ng aking anak. Noong nakausap ko siya nung isang araw, ang sabi niya nagresign daw siya sa trabaho niya at magtatayo na lamang ng clinic para makapagfocus siya sa amin na ikinagulat ko. Sa sinabi niyang iyon ay tila napakaimportante namin para gawin niya ang bagay na iyon. Gusto ko man siyang tutulan ngunit wala akong magagawa sa mga desisyon niya kahit nakakapanghinayang. Kung ako nga ang asawa niya ay magagalit ako siguro, pero kalaunan ay papayag rin kung iyon ang magiging paraan upang lalong tumibay ang
Read more
Chapter 48
Karina's Pov:"Halika na! Ano pang hinihintay mo d'yan? Ang hina mo naman eh! Para 'yan lang!" Sambit ng singkit na lalake sa akin. "Huwag ka nang matakot, kaya mo yan!" Dagdag pa niya.Inilahad niya ang kan'yang kamay at masuyo akong tiningnan na tila sinasabi ng kan'yang mata na ayos lang ang lahat.Ipinatong ko ang aking kamay sa palad niyang nakalahad. Unti-unti siyang naglakad papasok sa isang sakayan na mala-roller coaster.Napakros ako sa aking dibdib. Kinakabahan ako ng sobra! Sa hitsura pa lang ng aming sasakyan ay tila mahuhulog na aking puso doon."Huwag kang mag-alala, andito lang ako sa tabi mo." Sabay ngiti niya sa akin.Gunggong ba siya? Sobra naman makangiti ng pagkatamis-tamis itong bruhong 'to! Para naman may magagawa 'yung pagngiti niya. Nakakatakot kayang sumakay! Kahit anong pagngiti niya ay tila hindi napapawi ang kaba ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko."Kaya mo 'yan, Karina! Sumigaw ka lang kapag pababa na tayo," Wika niya na aliw na aliw habang nililipad an
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status