All Chapters of YOUNG AGAIN: Chapter 61 - Chapter 70
79 Chapters
Chapter 59
Bata pa lamang si Maddy ay puro paghihirap na ang kan'yang naranasan mula sa kan'yang ama-amahan at ang anak nito. Maging sa mga kan'yang kaklase ay nabubully siya. Tiniis niya ang lahat ng iyon. Kahit na sobrang nababasag na siya at sobrang nasasaktan. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang ang kan'yang bunsong kapatid ang na-bully ng mga kaklase nito. Tila nilukuban ng demonyo ang batang si Maddy nang makitang ang kapatid niya naman ang pinagkakaisahan. Sa sobrang galit niya ay inabangan niya ang isang kaklase nito na nambully at walang awa itong pinatay. Magmula noon ay tila nakaramdam ng satisfaction si Maddy magmula ng mangyari iyon. Lahat ng ginagawan sila ng kasamaan ay pinapatay niya.Ngunit ang kademonyuhan niyang iyon ay nawawala sa tuwing umuuwi siya ng bahay. Kaya niyang labanan at paslangin ang kasingkatawan niya ngunit iba pagdating sa kan'yang ama-amahan at sa anak nito. Napakalakas ng mga ito kaya naman wala siyang magawa kahit na molestyahin nila ang katawan niya."S
Read more
Chapter 60
Noah's Pov: Part 1Nagpaalam ako sa aking ama na sa Pilipinas ko na lang itutuloy ang aking pag-aaral. Tutal naman ay marami din magandang university doon. Na agad din naman sinang-ayunan niya.Nang umuwi ako ay agad kong inasikaso ang aking pag-eenrol. "Kuya, hanggang dito na lang kita mahahatid. May klase pa kasi ako," Agad na paalam sa akin ng kapatid kong si Eleanor.Tumango lang ako at nagsimula ulit maglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may bumangga na sa akin na maputing babae."Aww!" impit niyang hiyaw. Yumuko siya upang pulutin ang mga librong nabitawan at mga papel na nagkalat nang hindi man lang tumingin sa akim kahit isang beses. "Sorry, nagmamadali kasi ako!" Sambit nito na hindi man lang sumusulyap sa akin. At agad akong nilampasan.Siguro ay may kailangan siyang ipasa kaya hindi niya man lang ako napansin. Ngayon pa lang ulit ako na-attract sa isang babae, una ay noong bata pa ako at pangalawa ay ngayon.Kahit nakatungo siya ay kitang-kita ko ang maamong mu
Read more
Chapter 61
Nang maputol ang zipline ni Rina ay abot-abot ang aking kaba. Lalo na nung hindi ko siya makita na umahon kaagad. Magaling lumangoy si Rina kaya nagtataka ako na hindi agad siya umahon. Dali-dali akong nag-dive sa tubig at hinanap ko siya agad sa ilalim. Hindi ganoong kalinaw ang tubig kaya nahirapan ako na hanapin siya.Habang nasa ilalim ng tubig ay takot na takot ako. Takot akong mawala ang aking asawa.Nang mahanap ang asawa ko ay wala na siyang malay at nakasabit parin ang harness sa kan'yang katawan. Dali-dali ko yung tinanggal at mabilis siyang naiahon sa tubig. Umiiyak na ako ng hindi ko maramdaman ang kan'yang pulso. Isa akong doktor at alam kong dapat kalmado lamang dapat ako para mailigtas ko ang aking asawa. Ngunit sadyang mahirap paglabanan ang kaba at takot na isiping mawawala ang aking asawa sa isang iglap lamang. Pilit kong dinadasal na sana ay magkamalay na siya.Ang anak namin na si Kelsey ay takot na takot na rin at rinig na rinig ko ang palahaw niya. Lalo akong na
Read more
Chapter 62
"Saglit lang, itabi mo muna."Tinabi ko ang sasakyan ng aking minamaneho nang tapikin ako ni Rina. Sabi niya ay saglit lamang. Dali-dali itong lumabas ng sasakyan, bitbit ang pagkaing galing sa isang fastfood na sana ay pasalubong namin sa dalawang anak namin.Alam ko na kung anong dahilan ng pagbaba ni Rina kaya hindi ko na siya tinanong pa.Nang makita ni Rina ang isang matanda ay hindi siya nagdalawang isip na bumaba ng sasakyan at ibinigay ang pagkaing dala. Hindi na ako magtataka kung bigla-bigla na lang siya bumaba at ibigay ang dalang pagkain na iyon sa makikita niyang pulubi. Nasanay na rin ako sa kan'ya.Alam kong ugali niya na iyon at alam kong gusto niyang makatulong sa matatandang ganito. Ang rason niya ay paano daw kung hindi man sa sinasadya ay magkaroon ng sakit ng pagkalimot ang isa sa aming magulang at bigla itong mawala. Paano kung katulad ng gan'yang nagugutom ay walang magbigay ng pagkain. Mabuti na iyong magbigay para naman makatulong kahit sa papaano. Upang ang m
Read more
Chapter 63
Naalala ko noong nililigawan ko pa lamang si Karina. Oo, nililigawan ko na kahit na kaka-break pa lang nila noon. Ganoon ako kadesperado, ganoon ako kabaliw sa kan'ya. Gusto kong ipakita sa kan'ya na may karamay siya, kaya kahit malayo ang bahay nila ay palagi akong napunta sa kanila.Palagi kong sinasabi na may nilakad ako sa malapit at dumiretso lamang sa kanila na agad niya namang pinaniniwalaan.Tandang-tanda ko pa noon, dumaan ako sa petshop upang maghanap ng cute na aso na p'wede kong ibigay kay Rina. Gusto kong tuluyan niyang makalimutan ang kan'yang ex kaya naman gagawin ko ang lahat mapasa akin lamang siya. Siguro ganoon talaga kapag may mahal ka, lahat ay gagawin mo, mahalin ka lang niya kahit pa may maapakan kang iba. Kasalanan niya, sinaktan niya na. Kaya ngayon ay ako naman. At pinangako ko sa sarili na kahit kailan ay hinding-hindi na siya masasaktan pa.Tuwang-tuwang kumahol sa akin ang isang bolognese na aso na agad siguro akong nagustuhan. Kulay tsokolate ang balahib
Read more
Chapter 64
Karina's Pov:Pawisan ako nang bumaba sa stage na agad namang sinalubong ni Noah at dahan-dahang pinunasan niya ang aking pawisang sentido.Ang lakas pa rin ng tibok ng aking puso sa tuwing siya ay tititig sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang humanga sa ka-sweetan niya kahit mag-asawa na kami."Grabe! ang galing ko pa lang sumayaw noon. Hindi ko inakala na ganoon pala ako kagaling dati. Sobra akong natuwa sa mga napanuod ko," tuwang-tuwa kong sambit kay Noah.Inabutan niya ako ng baso ng tubig at pinainom. Nang makainom ay siya naman ang pinainom ko.Maya-maya lang ay si Noah naman ang tinawag at pinaakyat sa stage. Naupo ako sa upuan habang nakatingin sa kan'ya na paakyat ng stage.Hmm... kaya pala dala niya ang gitara niya sa sasakyan kasi tutugtug pala siya. Kumaway pa siya sa akin bago kalabitin ang kan'yang gitara."Ang ganda ng pasabog namin ngayon 'no?" sambit ni Abby na ngiting-ngiti sa harap ko.I mouthed, "thank you," sabay tingin na ulit kay Noah na nagsimula nang kumanta.
Read more
Chapter 65
Karina's Pov:Pasado alas dose na nang mapagpasyahan naming umuwi. Paglabas namin ay malakas na ang ulan sa labas.Ngayon ko lang napagtanto na liblib at medyo malayo sa bayan ang pinahdausan ng reunion namin. Halos hindi ko kasi napansin ang daan dahil kausap ko si Noah."Naliligaw ata tayo, lowbat na pati ako," sambit ni Noah."Huh? Pa'no 'yan? lowbat na rin ako."Sakto naman na may nadaanan kami na malaking bahay na ginawang hotel. Tumigil muna kami at nagpasyang bumaba. Sobrang lumalakas na rin ang ulan at bumabaha na din, sa tingin namin ay hindi kakayanin ng aming sasakyan kung susuungin pa namin ang baha. Pinayungan ako ni Noah nang makababa ako sa sasakyan. Nang makita namin ang bahay ay tila tinayuan ako ng balahibo sa hitsura nito. Luma na at tila panahon pa ito ng kastila ginawa. May nakasabit sa tarangkahan na Hotel De Espeluznante."Sigurado ka ba dito?" tanong ko kay Noah nang may pagaalinlangang pumasok. Naawa ako bigla sa kan'ya nang mapadako ang tingin sa kanang bali
Read more
Chapter 66
Karina's pov: Nakarating kami sa may ilog sa kakahigit ko sa kan'ya ng sapilitan. "Saan mo ba ako dadalhin at ano ang kailangan mo sa'kin?" masungit niyang sita sa akin."Noah?" humarap ako sa kan'ya. Balak ko sana siyang yakapin ngunit hinarangan ako nito at tinusok ang noo ko gamit ang hintuturo niya upang malayo ako sa kan'ya."Kanina ka pa nanantsing eh! hinawakan mo na nga ang kamay ko pati ba naman yakap gagawin mo din?" kunot-noong sambit niya sabay tingin mula ulo ko hanggang paa ko. Umikot ang mata ko sa sinabi niyang iyon. "Duh! asawa mo ako, anong masama don?" nakataas kong kilay habang nakakros ang aking mga braso."Asawa?! Kailan pa? Binata pa ako!" sabay hagod ng tingin niya ulit sa buo kong katawan."Done checking me out?" masungit kong sambit sa kan'ya. Para naman ibang tao ako sa kan'ya kung makatingin siya ng ganyan.Nagsisi tuloy ako na ito pa ang isinuot ko. Bakit ba naman kasi ito ang binigay sakin ni Airen. Ang dami naman damit doon na magaganda at hindi sobr
Read more
Chapter 67
Matagal akong tumambay dito sa tubuhan habang pinagmamasdan lamang si Noah habang nagtatabas ng tubo.Lumapit ako sa kan'ya dahil gusto ko siyang makausap kahit mainit. Bakit ba kasi 'di ako nakadala man lang ng payong! hays... ang init tuloy!"Alam mo ba na asawa kita sa hinaharap?"Nilingon ako nito saglit at tumaas ang kan'yang kilay tapos sabay iling at muling nagtabas ulit ng tubo. Grabe, 'di talaga ako pinansin."Totoo 'yun! asawa kita talaga!" pangungulit ko pa.Nagtiim bagang ito at hinubad niya ang suot na sumbrero at ipinatong sa aking ulo. Pagkatapos ay bumalik ulit sa kan'yang ginagawa.Napangiti tuloy ulit ako sa ka-sweetan niya. Kahit galit ay inaalala pa rin ako. Kinikilig na naman ako."Ahhh... n-naniniwala ka ba sa akin?" Damn that dark piercing eyes! Nauutal tuloy ako sa tingin niya!"Baka kulang ka lang sa kain o tulog, Binibini?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. Tila hindi naniniwala at tinawanan lang ako."Maganda naman ako, 'di ba?" sabay silip sa kan'y
Read more
Chapter 68
"I'm a slave for you... I cannot hold it, i cannot control it..."Mahina kong kanta habang sumasayaw sa harap ng salamin. Suot lamang ang manipis na puting blusa na may raffles sa magkabilang gilid ng aking braso at tanging puting panty lang sa pang ibaba.Habang nagsasayaw ay napatingin ako sa isang pigurin na palaka at naalala ang nangyari kagabi. Dahil sa kagustuhan kong mapatahimik si Noah kagabi ay tinalon ko siya na nagdulot ng kan'yang pagbagsak.Hindi sinasadya na napatagal ang aming titigan habang nakaupo ako sa kan'yang malaking umm...! Nang maramdaman ang tigas niyon ay napasigaw ako ng palaka sa kahihiyan. Kaya naman ng masulyapan ko ang palaka ay naaalala ko siya. Nakakahiya! Hindi ata ako makakaharap ng ayos nito kapag nagkita kami ulit.Ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw at sinipat-sipat ang aking makinis na balat. Nang mapunta ako dito sa taong 1950 ay bumata din ang aking hitsura. Tila nagbalik ako sa edad na 20. Panay ang kembot ko sa harap ng salamin. Hindi ko na namal
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status