Kinaumahagan. . . Sa tribo isang paligsahan ang inihanda ng mga kawani tulad nang nais ni Pinunong Peydo na sinang-ayunan ni Zarchx. Sa kondisyon; Kapag nanalo si Pinunong Peydo, makakaalis ng mag-isa si Zarchx at maiiwan si Amary. Kapag si Zarchx ang nanalo pareho silang makakaalis ng tribo ni Amary ng magkasama. Isang malaking bilog sa lupa na gawa sa pinagsama-samang mga bato. Nakatayo sa loob nito si Zarchx at Pinunong Peydo na parehong nakatingin sa isa't-isa ng walang emosyon. Ang dalawang kawani ay lumapit kay Zarchx at Pinunong Peydo. Ang isa ay tinulungan na tangalin ang mga kasuotan ni Pinunong Peydo hanggang sa matira na lamang ang suot nitong bahag at nakayapak ng dati. Malaking tao si Pinunong Peydo, hindi nagkakalayo sa taas ni Zarchx. Bilugan ang katawan nito at batak na batak ang mga malalaking muscle nito, sa braso man o dibdib. Ang isa lumapit kay Zarchx, hinubad ang suot nitong long sleeve pagkatapos kinapkapan ang pantalon nito at hinubad ang suot na sapato
Last Updated : 2025-12-07 Read more