Sa Mariano Resort, Nakatayo si Diego sa sulok, nakayuko habang palakad-lakad naman si Julio sa malawak na sala na nag-aapoy sa galit. Inihatid ni Diego ang balita; walang natirang buhay sa mga taong ipinadala ni Julio para patayin si Zarchx. “Mga inutil! Isang bagay lang ang pinapaligpit ko sa inyo, hindi niyo pa magawa! Sila ba ang tinutukoy mong mga professional, Diego? Ah?” Galit na sigaw ni Julio. Bakas sa marahas nitong mukha ang matinding galit. Nanatiling nakayuko si Diego. “Professional, professional! Pweh!” Umakto si Julio na dumura. “Sir, masyadong magaling si Zarchx Montenegro sa pakikipaglaban. Kung hindi lang siya CEO ng Montenegro Corporation, maiisip ko na isa siyang alagad ng batas—” “Paano magkakaroon ng koneksyon sa gobyerno ang isang Montenegro? Nabibilang siya sa atin! Isa siyang professional dahil ang pamilya niya, malawak ang koneksyon sa mga illegal!” Naupo si Julio sa pang-isahang sofa at sinabing, “Palabas lang ang pagiging CEO ni Montenegro dahil siy
Last Updated : 2026-01-30 Read more