Sa farmhouse, sa pinakaunang kwarto naroon ang lahat. . . Nakahiga si Scott sa malapad at malambot na kama, mayroon itong kumot hanggang bewang. Nakapalibot sa kama nito ang anim na lalaki pati si Amary. Sa kanan ng kama naroon si AKAS, Lance at Zarchx. Sa kaliwa ng kama naman sina Cyrus, LV at Renzi habang sa paanan nakatayo si Amary. Nakabantay ang mga ito kay Scott na para bang naghihintay sa pagdating ng prinsesa na sasagip na magiging susi sa pagising nito. Sobrang himbing na nang tulog ni Scott at humihilik pa—hindi na ito nagising ng mahimatay kung kaya't dinala na lamang sa kwarto. Isa-isang tiningnan ni Amary ang mga lalaking kasama niya at lahat ito ay nakatingin kay Scott na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Sa nangyari kay Scott nawala sa isip nina Lance, AKAS, Cyrus, LV at Renzi ang pagkabigla ng makita si Zarchx. Dumapo ang mata ni Amary sa kaniyang pambisig na relo; 2:09 AM. “Madaling araw na, ihahanda ko ‘yong ibang mga kwarto para makapagpahinga na rin kayo.”
Last Updated : 2026-02-15 Read more