Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMuling nagsalpukan ang kanilang mga espada. Ang bawat hampas ay nagdudulot ng lindol sa ilalim ng kanilang mga paa, at bawat pagsabog ng enerhiya ay nagpapalipad sa mga bato’t alikabok sa kalangitan. Ang kanilang mga mata ay tila apoy sa gitna ng unos, puno ng poot, determinasyon, at sugatang dangal.Si Prinsipe Zaitan ay halos hindi na humihinga sa tindi ng labanan, ang puting apoy ng kaniyang mahika ay patuloy na umaalab sa kaniyang mga palad. Samantalang si Prinsipe Zumir, na muling nakabawi ng lakas mula sa dugo ni Sastareus, ay nagliliyab sa mapulang enerhiya ng kadiliman. Ang bawat galaw niya ay tila halimaw na nagising mula sa mahabang pagkakatulog.Malamig, mabilis, at nakamamatay.Nagbanggaan muli ang kanilang mga espada. Mula sa kanilang mga katawan ay nagsabog ng liwanag. Puti laban sa itim, liwanag laban sa anino. Sa bawat hampas ay may kasabay na pagsabog ng kulog.“Hindi na ito laban ng dangal, Kamahalan!” sigaw ni Prinsipe Zumir habang pi
 Last Updated : 2025-10-29
Last Updated : 2025-10-29