Kampo ng mga Puting Bampira...Sa kabilang dulo ng kagubatan, sa isang lihim na kampo sa lilim ng bundok, nakatayo si Prinsipe Zaitan sa harap ng mga nasasakupan. Ang kaniyang mukha ay parang batong di na muling ngumiti. Hindi na siya galit, siya’y manhid na. Ang apoy sa kaniyang puso ay hindi dahil sa paghihiganti, kundi dahil sa matagal nang pangarap ng katahimikan.“Ito na ang huli,” mahina niyang sabi at bulong sa sarili.Gamit ang kapangyarihan ng puting kalapati, isinulat niya ang liham. Pormal, diretso, walang takot. “Sa loob ng sandaang araw, lilitaw kami mula sa mga anino. Hindi upang magtago, kundi upang harapin kayo. At sa araw ng digmaan, ang huling matitirang lahi ay siyang magsusulat ng panibagong kasaysayan.”Sa tulong ni Prinsesa Amira, nilapatan ng mahika ang kalapati upang tiyak na makarating ito sa mismong kamay ng Supremo.---Kaharian ng Sarsul...Isang sigaw na tila gumapang mula sa kailaliman ng lupa ang gumulantang sa buong palasyo ng Sarsul. Boses na puno ng
Huling Na-update : 2025-07-04 Magbasa pa