Kasalukuyang taon...(Sa Mundo Ng Mga Tao)Napatigil sa pagwawalis ng mga tuyong dahon si Aling Sabelia nang mapansin ang bulto ng isang tao na nakatayo sa kaniyang harapan. Matangkad, mala-porcelana ang kutis, may palamuti sa balat na nasa may bandang leeg, at nagtataglay ng pares ng malalamig na mga mata.Napansin niya ang magarbo nitong kasuotan na sa tingin niya ay mula sa marangyang pamilya. Napansin iyon ng kaniyang asawa na si Mang Rios kaya naalarma ang dalawa at agad na umatras. Tumulis ang kanilang mga kuko at nagsimulang magkulay pula ang mga mata."Sino ka?" Nagsitayuan ang kanilang mga balahibo nang maramdaman ang napakalakas na pwersa ng kapangyarihan na bumabalot sa lalaking nasa kanilang harapan.Kasalukuyan silang naninirahan sa mundo ng mga tao. Lingid sa kanilang kaalaman na si Rycon, na kanilang anak-anakan ang nagdala sa kanila sa mundo ng mga tao upang ipalabas na napaslang sila sa pagitan ng digmaan mga puti at itim. Una silang nanirahan noon sa malayong bayan n
Terakhir Diperbarui : 2025-07-04 Baca selengkapnya