All Chapters of Chasing Love A Second Chance At Forever: Chapter 51 - Chapter 60
84 Chapters
Kabanata 50 Hidden Agenda
Sandaling lumaki ang mga mata ni Archie, at maya maya ay pumikit. Nagkunwaring tulog para maiwasan ang nanlilisik na mga mata ni Arwena. “Bakit bumalik ka agad?" tanong ni Mr. Tan kay Arwena. Nilingon niya rin sandali si Archie na nagtutulog-tulugan bigla. “Kumusta si Nathan?” dagdag tanong pa ni Mr. Tan kay Arwena. Hindi pa rin kasi ito nagsalita at hindi umalis sa bungad ng pinto. Ang tingin ay nasa kaibigan na parang ang buong katawan ang may casts. Straight na straight at walang ka galaw-galaw. “Okay lang si Nathan, mahimbing ang pa rin ang tulog." Kahit naiinis si Arwena sa kaibigang si Archie, sinagot pa rin naman niya ng maayos si Mr. Tan. Gusto na rin kasi niya munang ipahinga ang utak na kanina pa nag-iisip, kung ano pa maaring mangyari sa susunod, at gusto niya munang huminahon ang puso niya na puno ng kaba. Kaba dahil sa ginawa ni Farah at Jake. Katatanggap lang kasi niya ng tawag mula sa mga magulang tungkol sa nangyari kay Farah at Jake. Nahulog nga raw ang dal
Read more
Kabanata 51 Babawi
“Ahh!" namimilipit na sigaw ni Farah. Pinipilit nitong alisin ang pagkakaipit ng paa niya sa malaking bato. “Ahh…” Humahagulgol ito matapos maalis ang pagkakaipit ng paa. Saka naman siya nagpalinga-linga sa paligid. Wala kasi sa tabi niya si Jake. Hindi mahagilap ng mga mata niya. Magkahawak kamay nga sila kanina nang madala sa agos ng tubig. Pero dahil sa lakas ng agos ay nabitiwan siya ni Jake. “Jake… nasaan ka?" Humahagulgol na tawag nito sa pangalan ng nobyo. Pero walang sumagot. Sariling boses niya lang ang narinig niya. Ang lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon. “Jake, na saan ka ba?” Pinilit tumayo ni Farah, pero hindi niya kaya. Masakit ang paa niya na namamaga at may sugat pa. Masakit rin ang buong katawan niya. Bukod sa sugat sa paa, may mga galos, pasa, at sugat din ang ibang parte ng katawan niya. Maging ang ulo niya ay may sugat din. Humawak siya malaking bato kung saan siya na tangay ng agos, at ipunuwesto ang sarili sa pagitan ng malaking bato. Yakap-yakap na r
Read more
Kabanata 52 Welcome Home
“Arwena, are you okay? Kanina ka pa tulala," tanong ni Archie sa kaibigan niya. Kararating lang nila rito sa mansyon ni Tandre, at kanina pa excited si Archie na pumasok. Ito nga kasi ang unang beses na aapak siya sa napakagandang mansyon ng kapatid, pero panira naman si Arwena. Ilang araw na mula nang malaman nila ang nangyari kay Jake, at ito na siya, tulala at laging hindi mapakali. Parang guilty; parang sinisisi ang sarili sa nangyari sa dating nobyo. “Arwena, gising!” Niyugyog-yugyog ni Archie ang kaibigan. "Naku naman, Wena! Alam kong nagulat ka, at hindi makapaniwala sa nangyari kay Jake. But, please, stop blaming yourself. Stop thinking about him. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya; sa kanila ni Farah.” Bukod kay Jake, alam ni Archie na iniisip din ni Arwena si Farah na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita. Mabait nga kasi si Arwena, kaya kahit marami pang naging kasalanan si Farah sa kanya, nando’n pa rin ang pag-aalala niya. Lalo’t hindi nga maganda ang
Read more
Kabanata 53 Gay
“Anong klaseng tanong ‘yan, Archie?” Nagtatampong tanong Tandre. Napalingon pa siya sa mga kasambahay. Ang dating kasi ay parang napahiya siya. Ito ang unang beses na may nang-away sa kanya at sa pamamahay niya pa mismo. Hindi nga agad siya nakapagsalita. Humigpit din ang paghayapos niya kay Nathan. Bukod kasi sa pasigaw na tanong ng kapatid, kung duruin at tingnan siya nito ay parang bumalik na naman sila sa dati. Parang wala na naman itong respeto sa kanya. “Nag-usap na tayo, hindi ba; bati na tayo, Archie. Of course, gusto kong tumira ka rito; gusto kong makasama ka. Pamamahay mo na rin ‘to." “Talaga lang? Kaya ba may grand pa welcome ka sa kwarto namin ni Arwena?!” Kumunot ang noo ni Tandre, hindi niya maintindihan kung ano ang pa welcome na sinasabi nito. “Alam mo, Tandre, kung nakakalakad lang ako ngayon, baka tumakbo na ako palabas kasama sina Arwena at Nathan, at hinding-hindi na kami babalik rito." Sandaling sumulyap si Tandre kay Arwena na alam niya na naguguluha
Read more
Kabanata 54 Family
“Nathan—” Sasawayin na sana ni Arwena si Nathan na tuwang-tuwa pa rin habang nakatingin sa alaga ng Papa niya na nasa loob na ng maliit na glass enclosure. Kaya lang, pinigil siya ni Archie. Umiling-iling at may kasabay na makahugang tingin. Nagtataka man si Arwena, pero sinunod naman ang gusto ng kaibigan. Hindi na lang siya nagsalita. Ang nasa isip kasi ni Archie, kapag sasawayin ni Arwena ang bata, siguradong sasagot ito at ipagpipilitan na totoo ang sinasabi niya at hindi siya nagsisinungaling. Gano’n si Nathan. Hindi siya magpapapigil magsalita kapag alam niya na tama siya at nagsasabi siya ng totoo. E-prove niya talaga ‘yon. At ‘yon ang iniiwasan ni Archie, alam nga ng bata na gay siya. Mas lalo lang silang mabubuking. Malalaman ni Tandre na nagsisinungaling at nagpapanggap lang sila Arwena. Kahit ba iyon na naman talaga ang gustong mangyari ni Archie. Gusto na niyang aminin kay Tandre, na hindi sila totoong couple ni Arwena, at gay nga siya. Pero dahil mabuti siyang
Read more
Kabanata 55 Surprise
Kung si Arwena at Tandre ay nahihirapan na huminga dahil sa ayos nila, si Nathan naman ay nag-uumapaw ang saya. Hindi mawala-wala ang ngiti ng bata. Pigil na napabuga na lang ng hangin si Arwena. Alam naman niya na masaya si Nathan na kilalaning ama si Archie. Ni minsan ay hindi nga rin ito nagkulang; pinaramdam ni Archie kay Nathan ang pagmamahal ng isang ama, ngunit iba ang saya na nakikita ni Arwena sa Anak niya ngayon. Saya na hindi nila kayang ibigay kay Nathan—saya na si Tandre lang ang may kayang magparamdam sa bata. Parehong hindi maalis ang tingin ni Arwena at Tandre sa Anak nila. Kitang-kita nila na kahit nakapikit na ang mga mata ng bata ay nakangiti pa rin; masaya pa rin. At ang saya na nararamdaman at nakikita nila kay Nathan ay siyang nagpakalma sa mga puso nilang nagwawala. Napatitig pa nga sila sa isa’t-isa at napangiti kalaunan. Sa unang pagkakataon ay naging panatag ang damdamin nila. Nakalimutan ni Arwena ang hiya na nararamdaman niya sa nangyari sa kanila ni T
Read more
Kabanata 56 Katahimikan
Pinahiran ni Tandre ang labi nitong hinalikan ni Janica. Hindi sa nandidiri siya sa halik ng dating nobya. He just didn't want to be kissed by a woman he no longer loved. “Damn!” Napamura na lang si Mr. Tan at napa-iling-iling habang nakatingin sa saradong pinto. “Hindi na siya nagbago!” Nasabi niya pa. Hindi nga niya inaasahan na ganito pa rin pala ka baliw si Janica. Ang lakas ng loob. Gagawin pa rin nito ang lahat makuha lang ang gusto. Parang si Farah din. Kahit katawan ay handang gamitin, maabot at makuha lang ang pangarap. Kalaunan ay pahapyaw na tumawa si Mr. Tan. Nang dahil sa ginawa ni Janica ay naalala niya ang nakaraan—nakaraan na matagal na sana niyang kinalimutan. At kasalanan iyon ni Janica na kung umasta ay parang si Mr. Tan lang ang may kasalanan sa kanya. Ang kinaiinisan niya pa ay nagmamalinis ito. Kung itinaboy niya man ito sa buhay niya noon ay dahil may ginawa ito na hindi masikmura ni Tandre. Hindi niya matanggap. Kung kaya nga lang niya na isumbat ang
Read more
Kabanata 57 Caring Mr. Tan
Tarantang pumasok sa kotse si Arwena habang ang tingin ay nasa babae na papalapit sa kanila. Tingin niya kasi ay siya ang puntariya ng babae. At siguradong iyon din ang iniisip ng mga bodyguard niya, kaya agad-agad siyang pinapasok sa kotse ng mga ito at ngayon ay alerto na silang humarang sa kotse. “Miss, ano ka ba naman!” sigaw ng lalaki, sabay pigil sa babae. Pero ang tingin ay nasa mga bodyguard. “Uwi na po tayo, miss. Kanina ka pa namin hinahanap." Pinipilit ng lalaki na ilayo ang bayolenting babae sa kinaroroonan ng kotse nila Arwena. Kaya lang ayaw pahawak ng babae. Sa kada subok ng lalaki na hawakan siya ay hampas ang ganti nito. Pero hindi ininda ng lalaki ang mga hampas. “Miss, please!” Pakiusap niya. Halatang nagpipigil na ‘wag itong masaktan. Nakawala na naman kasi ito at tumakbo pabalik sana sa kotse ni Arwena. Mabuti na lang at na hawakan niya agad. Ang mga bodyguard naman ni Arwena ay hindi maalis ang tingin sa babae na ngayon ay nagsimula ng sumigaw. Walang tigil n
Read more
Kabanata 58 Pierced Heart
“Ms. Arwena," bulalas ng dalawang bodyguards. Kahit alam pa ng dalawa na siguradong walang malaking pinsala ang amo dahil may airbags naman ang kotse, inaalala pa rin nila ang kalagayan nito. “Are you okay, Ms. Arwena?" tanong ni Fuentez na hindi kaagad sinagot ni Arwena. Pumatak lang ang mga luha niya at maya maya ay pigil na umiyak. Tinakpan pa nito ang bibig niya hanggang sa hindi na nito mapigil ang iyak at humagulgol na. Luha niya rin ay parang baha na rumagasa sa pisngi niya. Hindi alam ng bodyguard kung ano ang gagawin? Yayakapin ba nila ang umiiyak na amo o hahayaan lang, pero talagang nag-alala sila sa kalagayan nito. At isa pa, utos nga ni Mr. Tan na gawin nila ang lahat maprotektahan lang nila si Arwena. Hindi man nila kagustuhan ang nangyari, at walang may gusto na mabangga sila, siguradong pagagalitan pa rin sila ni Mr. Tan. Maya maya ay paulit-ulit na umiling si Arwena. Nagawa na rin niyang tingnan ang mga bodyguard niya. At saka naman niya pinahid ang mga luha.
Read more
Kabanata 59 Stupid Mr. Tan
Parang lumipad ang kaluluwa ni Tandre at Arwena nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Parehong nanlamig ang mga katawan nila. Unti-unti namang umusog palayo si Arwena kay Tandre. Habang si Mr. Tan ay pa-slow motion na sumandal sa backrest. Napahimas na lang siya sa hita niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Mag-sosorry ba siya o magkunwaring hindi apektado. Si Arwena naman ay napahimas naman sa batok niya at napakagat ng labi. Hindi niya rin alam kung saan titingin, at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Duble kasi ang naramdaman niyang hiya. Bukod sa nakita sila ng mga bodyguard, panay nga ang tulak niya kay Mr. Tan, pero pagdumikit naman ito sa kanya ay parang namamagnet na lang siya. Lahat ng siniksik niya sa utak na gusto niyang mangyari ay nabubura. “Ted is here,” paos na sabi ni Mr. Tan. Wala naman siyang ubo, pero kumati ang lalamunan niya. Paulit-ulit nga kasi siyang tumikhim. Kulang na lang ay kamutin na niya ang ngalangala. Tumango-tango lan
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status