“Nathalie, ayan na si Mr. Mendoza, siya na ang maghatid sa’yo pabalik. Mahirap kumuha ng taxi dito, at hindi rin ako mapapanatag kung ikaw lang mag-isa,” sabi ni Jillian habang hinahatak si Nathalie papunta sa sasakyan ni Calix.Hindi na ito naghintay ng sagot, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at ngumiti kay Calix. “Mr. Mendoza, hindi ko inakala na pupuntahan n’yo si Nathalie. Kanina lang, iniisip ko pa kung paano siya makakauwi.”“Perfect timing, talaga,” dagdag pa ni Jillian, na ngayon ay masayang-masaya na parang may nairaos na mission. Pagkatapos, halos isiksik niya si Nathalie sa tabi ni Calix, bago pa ito makapagsalita.“Oy—” nabigla si Nathalie pero hindi na natuloy ang sasabihin niya nang makitang mabilis na lumalayo sina Jillian at Narina.Napabuntong-hininga siya at napapadyak ng marahan, sabay irap kay Calix. Wala na siyang nagawa kundi tumingin sa lalaki at ngumiti ng pilit.Napatingin din si Calix sa kanya, may bahid ng ngisi sa kanyang mga labi. Bahagyang umang
Last Updated : 2025-06-08 Read more