All Chapters of Ang Rebelde at Ang Sundalo: Chapter 41 - Chapter 50
102 Chapters
CHAPTER 40
Chapter 40Pagkatapos ng aming Christmas Party at bakasyon na naman ay naisipan naming magpalipas ng gabi doon sa gubat malapit sa bahay nina lola. Hindi ko sinabi kina lola na mag-overnight ako sa gubat. Ang alam nila ay sa bahay ng kamag-aral ako magpapalipas ng gabi para sa Christmas Party namin. Sadyang inabuso ko na ang pagtitiwala nila sa akin.Nagtayo na naman kami ng tent ni Dindo. Doon na kami nag-lechon ng manok para may ginagawa kami lalo pa't mahusay naman siyang magluto. Sagana kami sa pagkain at tanging gitara, chessboard at de-bateryang radyo lang ang libangan namin. Ngunit masaya kami. Madalas kaming magkayakap. Laging magkahinang ang mga labi. Pakiramdam ko naa-adik na kami sa isa't isa. Pagkatapos naming kumain ay inilabas ko ang christmas gift ko sa kaniya."Wow! Sapatos. Mukhang mahahalin ito dude." Niyakap niya ako. "Salamat ha. Pangalawang bagong sapatos ko palang ito bukod don sa una na binili mo noon sa akin sa Manila. Kasi naman kung hindi nalumaan ang binibi
Read more
CHAPTER 41
CHAPTER 41 January 29.Tumawag si Mommy. Nangangamusta.“Kasama mob a si Dindo?”“Oho, bakit Mom?”“Gusto ko sanang makausap.”“Para saan?”“Sa nalalaman ko tungkol sa inyong dalawa. Aya hindi na nakatutuwa.”“Ho? Sinong nagsabi sa inyo?”“So meron nga? May nangyayari na hindi namin alam ng Daddy mo?”“Mom, magsasabi naman ako e.”“Hindi ikaw ang gusto kong makausap kundi si Dindo. Ibigay mo sa kanya ang cellphone.”Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi na nga maganda ang nangyayari.“Si Mommy, gusto ka raw makausap.” Iniabot ko sa kanya ang cellphone.“Bakit daw?”“Tungkol daw sa nangyayari sa atin?”“Ano?” nakita konng pumusyaw siya. Kinakabahan.“Sige na, kausapin mo na lang.”“Anong sasabihin ko?”“Hindi ko alam kung anong pag-uusapan.”“Okey bahala na.”Nang una, seryoso ang kanilang pag-uusap. Puro opo lang ang naririnig kong sagot niya sa tabi ko nang biglang kinausap ako ni Dindo."Mahina ang signal. Paputol-putol. Ihanap ko ng malakas na signal sa labas ha?" paalam niya sa a
Read more
CHAPTER 43
CHAPTER 42"Saka sa mga coach ko, mga naging adviser, teachers at classmates. Sobrang nagpapasalamat ako kasi bahagi kayo ng aking pagbabago. Tinulungan ninyo akong mailabas ang mga nakatagong talento ko. Kay Lolo at Lola na patuloy akong inaalagaan. Salamat po sa pagmamahal. Kay Rave na pinsan kong laging nandiyan kahit nasusungitan ko minsan. Salamat ng marami insan. Puwede bang idaan ko na lang sa pagkanta ang pasasalamat ko?""Yes! Ikanta na yang dramang yan insan!" sigaw ni Rave."Sige! Dahil ikaw ang may hawak ng song book. I-enter na sa videoke ang kahit anong kantang may best in me sa pamagat niya. Kung hindi ko alam, tatayo lang ang may alam at maki-duet sa akin. Basta kung anong unang makita mo na may best in me i-enter mo na!" sagot ko.Pumailanlang ang intro. Napangiti ako. Alam ko ang kanta. Best in me ng Blue. Ngunit mukhang patama na naman sa amin ni Dindo. Ang kulit lang. Sana hindi magiging obvious sa ibang naroon na sadyang para kay Dindo ang kakantahin ko."Para sa
Read more
CHAPTER 44
Chapter 44February 14, Anniversary namin.Naisip kong ibahin naman namin ang regular naming araw. Hapon ng Sabado noon kaya wala kaming pasok pareho. Hinintay ko siyang dumating dahil ang tagpuan namin ay doon sa malaking puno malapit sa bahay nina lola. Sumakit na ang puwit ko sa kauupo pero hindi pa rin siya dumadating. Dahil sa sobrang inip ko ay minabuti kong bumalik na lang muna sa bahay nina lola. Papasok na ako ng bahay nang may narinig ako."Pssttt! Pssst!"Alam ko na kaagad kung sino 'yun. Iyon naman talaga ang tawagan namin mula’t sapol. Nilingon ko, siya na nga."Bakit ngayon ka lang?" halata sa boses at mukha ko ang pagkairita."Dumaan kasi ako neto at saka eto. Pasensiya na. Happy first anniversary." Humihingal siya. Pawisan. Mukhang nagmamadali talaga siya para umabot.Nakita ko sa kamay niya ang isang rose at valentine card. Nawala yung inis kong naramdaman kanina.“Oh ang sweet ni Dindo ah.” Si Lolo. Nakita niya ang hawak ni boy friend ko.“Oo nga parang ikaw lang no
Read more
CHAPTER 45
Chapter 45Hindi na nga dumating pa ang kuya ni Dindo bago kami magmartiya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nilingon niya ako. Nakita ko ang pangingilid ng kaniyang luha. Ngumiti ako. Mapait na ngiti ang kaniyang isinukli sa akin. Alam kong iba pa rin sana kung pamilya niya ang kasama niya. Yung sana may paghahandugan siya sa kanyang mga pinaghirapan.Tinawag ang pangalan niya para sa kaniyang valedictory address. Tinapik ko ang balikat niya at ginagap niya ang palad ko bago siya tumayo. Huminga siya ng malalim. Nagngitian kami bago siya tuluyang tumalikod sa akin. Palakpakan ang lahat nang umaakyat na siya sa entablado.Hindi ko alam kug anong nilalaman ng kanyang speech dahil may ginawa ang adviser namin na speech niya ngunit tinanggihan niya iyon. Gusto daw niyang magsalita sa kung ano ang nasa puso niya at isip sa araw ng aming pagtatapos. Hindi niya gusto ang isinasaulong mensahe. Lahat kami nag-antabay ng kanyang mga sasabihin. Tahimik ang lahat. Mukhang nakuha niya
Read more
CHAPTER 46
CHAPTER 46 Naluha siya sa nabasa niya. Huminga siya ng malalim. Nahihiya ako kay tita. Hindi ko alam kung paano mabayaran ang mga kabutihang pinakikita niya sa akin. Ngunit scholar na ako dahil ako ang Valedictorian na alam kong ginawan mo ng paraan kasi batid ko, mas matalino ka naman talaga sa akin pero pati iyon ipinaubaya mo sa akin. Hindi ko nga lang alam kung saan ako mag-aaral. " umupo siya. "Paano kaya ako makakabayad kay tita sa mga kabutihan niya sa akin?" tanong niya.Lumapit ako sa pintuan. Isinara ko at ni-lock."Simulan ko na ang paniningil sa utang mo kay Mommy." Kinindatan ko siya habang ngumingiti ako ng may pagkapilya."Patay! May iniisip na naman siya na iniisip ko din" nakangiti niyang sambit habang lumalapit sa akin."Kanina mo pa kaya ako gustong kainin, dahil mapagbigay naman ako kaya ibibigay ko ang hilig mo. Graduation gift ko na din sa'yo.""Ang kapal. Ako pa ngayon ang pinalalabas mong may plano nito?""So, ayaw mo?" nagkunyarian akong tumayo at tinungo ang
Read more
CHAPTER 47
CHAPTER 47May kumatok sa pintuan.Nataranta kaming dalawa. Wala pa kaming saplot sa katawan. Kinabahan kaming pareho. Hindi magugustuhan ni Daddy kung makita niyang hubad kaming dalawa.Mabilis kaming nagdamit. Sinilip ko muna sa pintuan kung sino ang kumakatok. Nakita ko si Dindo na nasa likod kong pinagpapawisan hindi lang dahil mainit ang panahon kundi alam kong mas nangingibabaw ang nerbiyos. Si Claire.“Oh bakit?” lumuwag ang paghinga ko."Ate tawag kayo ni Mommy.”“Mamaya.”“Ngayon na raw.”“Bakit daw?”“May gusto siyang ipakanta sa inyo ni ate Dindo sa videoke.”“Hindi ba ‘yan makapaghihintay?”“Bakit ano ba kasing ginagawa ninyo?”“Wala, sige na, bababa na.”“Okey. Hindi kasi kaya ni mommy at Daddy na kantahin. Baka lang daw kaya ninyong dalawa."" Sige, susunod na kamo.""Bilisan ninyo. Saka ate parang may mayonnaise pa diyan sa kamay mo oh.”“Mayonaise?” nagtataka kong tanong. “Ahhh okey.” Napagtanto ko na agad nang makita ko. Alam ko na kung bakit. Mahilig kasi si Dindo b
Read more
CHAPTER 48
Chapter 48Masakit na nakikitang unt-unting nalalagutan ng hininga ang dalawang mahal mo sa buhay at wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol at magdasal. Kung sana may magawa lang ako. Kung sana kayo kong patigilin ang pagdurugo ng kanilang mga sugat ngunit sa pagkakataong iyon ay mas nagdurugo ang damdamin namin ng kapatid ko. Nawawasak kami sa biglaang mga pangyayari. Alam kong sa akin humuhugot si Claire ng lakas para makayanan niya ang nakikita niyang nangyayari kina Daddy at Mommy ngunit ako rin mismo ay pinanghihinaan ng loob. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya at ipangakong magiging maayos din ang lahat dahil nakikita niyang wala ng malay ang dalawang mahal namin sa buhay.Pagdating namin sa hospital ay mabilis nilang ipinasok sa emergency room ang aming mga magulang. Naiwan kami ni Claire sa labas. Walang tigil ang pag-iyak ni bunso. Takot na takot sa lahat ng kaniyang mga nasaksihan.
Read more
CHAPTER 49
CHAPTER 49 Pagkaraan ng isang Linggo ay nagdesisyon kami nina lolo, lola at Mommy na dalhin ang bangkay ni Daddy sa Manila dahil sa Libingan ng mga Bayani siya ililibing. Dinala na din sa Manila si Mommy at inilipat sa ibang hospital. Nasa simbahan na kami para sa Concelebrated Requiem Mass ni Daddy ngunit di pa rin dumadating si Mommy. Hindi ko alam kung tuluyang hindi pa siya pinapayagan ng doctor dahil iyon ang sinabi ni tita sa akin kahapon. Baka raw kasi magkaroon ng internal bleeding kung pipilitin niyang pumunta sa libing ni Daddy. Naawa ako kay Mommy. Alam kong pinipilit lang niyang magiging malakas sa harap ko. Alam kong humahagulgol siya at nanghihina sa tuwing nakatalikod ako sa kaniya.Natapos ang misa. Nagsalita ang mga kabaro ni Daddy. Maraming naluluha habang inihahayag nila ang katapangan at katapatan sa paglilingkod niya sa bansa. Hanggang tinawag ako para magsalita kung ano at paano si Daddy bilang tatay. Nakaramdam ako ng hiya. Parang hindi ko alam kung paano ako h
Read more
CHAPTER 50
Chapter 50Pagbukas ko ng gate ay ibang Rave na ang nakita ko. Kasama niya si Tita na mama niya. Lumaki ang katawan, pumogi at higit sa lahat ay tumangkad. Naroon pa rin ang boyish niyang ngiti."Ate Aya! Nandito na ho ako!" Niyakap niya ako."Uyy!" nagulat ako sa ginawa niya. "Ampogi mo na ah!" tinapik ko siya sa likod."Kumusta po tita?" Nagmano ako sa pinsan ng Daddy ko."Mabuti naman iha. Hetong pinsan mo, excited nang lumuwas at makita ka.""Dito ako mag-aaral ate. Di ba sabi ninyo ni tita dati na puwede ako dito tumira kapag mag-college na ako?""Hayun! Taman-tama ang dating mo, aalis na rin ako papuntang Baguio. Mag-pi-PMA ako. Ikaw na muna ang makakasama nina Mommy dito. At least di ba? May lalaki silang kasama.""Bawal ba pumasok ate?" nakangiti niyang puna."Oo nga pala.” Napakamot ako. Nasa pintuan pa lang pala sila at di ko man lang muna sila pinapasok. “Pasensiya na ho tita. Kulit kasi nitong si pinsan. Daming sinasabi kaya nawala ang manners ko. Pasok ho kayo." Binuksan
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status