All Chapters of Ang Rebelde at Ang Sundalo: Chapter 51 - Chapter 60
102 Chapters
CHAPTER 51
Chapter 51Nang nasa loob na ako ay tinanggal ko lahat ang suot ko. Nagsasabon na ako ng aking katawan nang makaramdam ako ng kakaibang libog. Si Dindo ang naisip ko dahil sabay kaming naligo noon sa banyong ito. Nang sinasabon ko ang katawan ko ay hindi ko maiwasang isipin si Dindo. Iba yung init na nararamdaman ko lalo na nang sinasabon ko ang leeg at dibdib ko. Nakapikit ako habang tanging ingay ng tubig galing sa shower ang pumupunit sa katahimikan. Biglang may kakaibang init ng katawan na dumampi sa hubad kong katawan. Napakislot ako sa gulat.Si Rave.Hubad din at nakatirik ang kanyang alaga. Hindi ko alam kung dala ng pinaghalong kalasingan at init ng katawan para tuluyang pagbigyan siya. Hindi ko siya pinigilan sa kaniyang ginagawa. Pumikit na lang ako. Naramdaman ko ang kaniyang mainit na labi sa aking leeg, pababa sa aking dibdib hanggang sa muling umakyat ito papunta sa aking labi. Tumanggi akong magpahalik doon. Hinayaan kong maramdaman ang sarap ng kaniyang ginagawa sa ak
Read more
CHAPTER 52
Chapter 52Buong akala ko, pinsan ang turing sa akin ni Rave dahil iyon din naman ang turing ko sa kaniya. Ngunit nang nagtapos siya ng High School at dahil sa isang halikan "daw" namin nang isang gabing tulog ako at nang madalas kong pagsama-sama sa kaniyang nang magkaaway kami ni Dindo ay binigyan niya ng malaking kahulugan. Kahulugan na umabot sa matindi niyang damdamin para sa akin."Sige, inaamin ko, na may nangyari nga sa amin ni Dindo sa batuhan na iyon, kaya wala na akong puwedeng itago pa sa'yo. Kaya lang, kung iniisip mo na puwede na kitang mahalin at magiging tayo ngayong na wala na siya ay sinasabi ko sa'yo na mukhang hindi mangyayari iyon.""Bakit?" tanong niya. Sa tingin niya sa akin ay parang hindi pa rin siya makapaniwala."Alam mo kung bakit. Kahit magpinsan lang sina Daddy at Mama mo, malapit pa rin tayong magkamag-anak. Magpinsan pa rin tayo. Magkadugo tayo for God’s sake!""Yun lang ba ang dahilan kaya hindi mo ako magustuhan.""Huwag mong sabihing iyon "lang" ang
Read more
CHAPTER 53
CHAPTER 53Unang araw ko pa lang sa PMA bilang Plebe ay masasabi kong pamatay na sa hirap. Alam ko naman na hindi madali ang pagdadaanan kong training ngunit wala sa hinagap ko na ganoon nga katindi ang dapat na pagdaanan ng isang PMA.April 1, reception day naming mga Plebe. Ito ang una at pinakamadugong araw namin sa Academy. Lahat kaming mga first year ay magtipon-tipon sa Baremeo Field para sa aming oath bilang mga bagong kadete ng Armed Forces of the Philippines.Napakaraming ipinagbabawal sa amin na pakiwari mo'y hindi ka binibigyan ng kahit anong kalayaan. Kaya dapat bago pumasok ay gawin na ang gustong gawin dahil sa camp, pili na lang ang maari mong magawa. Kailangan lagi kaming nakasuot ng aming uniform sa tuwing lumalabas kami sa aming kuwarto. Maliban sa pasko, kami ay hindi na pinapayagang lumabas o kaya ay magkaroon ng kahit anong uri ng kasiyahan. Pinagbabawal sa aming manood sa formation ceremony ng mga upper class men at bawal din ang kahit sumilip sa aming bintana ng
Read more
CHAPTER 54
Chapter 54Nagulat ako nang makita kong naroon si Rave kasama ng mga iba pang Plebes. Hindi imposible dahil alam kong kaya niyang ma-meet ang mga qualifications lalo pa't binabaan na ito ng high school graduate na lang. Ngunit sa kabilang banda, imposible dahil alam kong wala sa plano niya ang pagsusundalo. Wala nga ba talaga o hindi lang ako naging interasadong alamin ang mga plano niya sa buhay. Sa araw na iyon ay inatasan akong maging buddy nila habang inoorganisa pa nila ang magiging mga squad leaders.Nang magtama palang ang aming mga paningin ay napakarami ko sa kaniyang gustong itanong ngunit wala pang pagkakataon. Ipinagbabawal kasi ang pag-uusap lalo na sa kanilang mga plebe. Nang nasa kanal na kami para sa kaniyang paggapang ay nagkaroon na ako ng pagkakataon para tanungin siya."Anong ginagawa mo?” pabulong kong tanong."Anong ginagawa ko? Heto, gumagapang dito sa mabahong kanal." Napangiti siya.“Hindi ako nagbibiro. Bakit ka narito?"Oo nga't kinakaya niya ang lahat na pi
Read more
CHAPTER 55
CHAPTER 55Final foot march nila. Maaga akong nagising para samahan sila. Maganda ang panahon. Hindi katulad nang sa amin na halos isama kami ng agos sa lakas ng ulan. Mabilis silang nag-formation sa harap ko pagkatapos nilang nag-agahan. Dalawang kadete ang dapat sa isang tent at dahil ako ang kanilang squad leader, mag isa lang ako sa tent ko ngunit sila ang may hawak sa lahat ng gamit ko. Umalis kami ng 6:00 ng umaga sa Camp at nakarating kami sa aming destinasyon ng tanghali na. Binigyan namin sila ng pagkakataong makapag-relax dahil sa sobrang hirap ng kanilang pinagdaanan. Sa mga upper class ako nakiharap noon at silang mga plebe ang magkakasama. Nakita kong si Rave mismo ang nagtayo ng aking tent at nag-ayos ng aking tutulugan.Pagkatapos nilang nananghalian ay muli naming silang pinagtraining sa combat. Hanggang sa dumating ang hapunan. Sandali akong nakipagsaya sa mga squad members ko. Kailangan kong iparamdam sa kanila na kahit gaano ako ka-istrikto sa kanila sa kanilang mga
Read more
CHAPTER 56
CHAPTER 56Pagdating ko sa bahay ay ako ang nagulat sa ibinalita sa akin ni Mommy."Naku ate, sana mas maaga kang dumating. Noong nakaraang araw lang umalis si Dindo. Isang araw at isang gabi lang kasi siya dito."Hindi ako agad nakapagsalita. Tinitigan ko pa nga si Mommy. Binabasa ko ang mukha niya kung pina-prank niya ako.“Oh bakit ka ganyan tumingin sa akin? Hindi ka ba naniniwala?”“Yung totoo kasi Mom ah.”“Anong yung totoo ka diyan? Hindi naman imposible na pupuntahan ka nong tao. Bakit ba?”"Si Dindo, bumisita dito sa bahay?" Hindi ako makapaniwala. “Pagkatapos ng tatlong taon? Ngayon lang siya bibisita?”"Oo, nga. Bakit baa ng kulit mong bata ka.”“Bakit daw?”“Anong bakita daw? Boy friend mo yung tao, natural lang na gusto ka niyang makita.”Buntong-hininga ang sagot ko kay Mommy.“Alam mo bang nangitim siya lalo at pumayat. Sabi ko nga maghintay pa siya ng kahit isang Linggo hanggang matapos ang training mo sa Baguio pero mukhang nagmamadali.”“Ano pa bang aasahan ko do’n M
Read more
CHAPTER 57
CHAPTER 57 Iniwan mo pala si Teddy Dindo sa bahay ng lolo at lola mo. Binisita ko sila noong nakaraang taon, nakiusap ako sa kanila na dalhin ko na lang ito noon sa kuta namin. Pumayag naman sila. Tumakas lang kasi ako noon, nagbabakasakali akong magbakasyon ka ngunit mula pala nang nangyari ang pamamaril ay hindi ka na muli pang bumalik sa lugar kung saan natin binuo ang ating mga alaala. May mga gabing umiiyak ako sa tuwing kasama ko si Teddy Dindo. Isinama ko siya sa batis, sa gubat at doon sa malaking puno malapit sa bahay ng lolo't lola mo. Kinakausap ko siyang parang ikaw para lamang maibsana ng pagkasabik ko sa’yo. Para akong tanga na yumayakap at humahalik sa isang Teddy Bear at sinasabi ng paulit-ulit ang katagang mahal na mahal na mahal kita habang iniisip kong ikaw siya. Habang nasa batis kami noon nni Teddy Dindo ay umaasa kaming babalikan mo. Naghihintay na sana maalala mo. Ngunit nabigo kami. Alam ko kasing iniwan at gusto mo na siyang kalimutan dahil ang taong nagbigay
Read more
CHAPTER 58
Chapter 58Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Rave. Huminga ako ng malalim. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Napakalakas pa rin kasi sa akin ng impact ng kababasa kong sulat sa akin ni Dindo. Tinatamaan pa rin ako sa kaniyang mga sinabi. Pinatay ko na muna ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay may katok sa pintuan ko.Tinatamad akong pagbuksan."Sino 'yan?" tanong ko."Si Mommy, tumatawag kasi si Rave. Tinatanong niya kung nakarating ka na. Gusto ka raw kausapin, anak. Tatawag siya uli.""Sabihin ninyo Mom, tulog ako. Sabihin ninyo nagpapahinga ako. Saka Mom, mauna na lang kayo kumain mamaya. Gusto ko lang bumawi sa mga pagod ko." sagot ko. “Ako na lang ang tatawag sa kanya.”"Okey ka lang ba anak?""Okey lang ho ako. Pahinga lang katapat nito Mom."Pinilit kong makatulog. Gusto kong paggising ko ay wala na yung nararamdaman kong sakit at lungkot sa nabasa ko sa sulat ni Dindo.Madaling araw nang magising ako. Kinuha ko ang cellphone ko at ini-on ko hab
Read more
CHAPTER 59
CHAPTER 59 Niyakap ko siya. Wala kasi akong ibang maisagot sa kaniya. Awang-awa ako sa nakikita kong paghihirap ng kaniyang kalooban."Matatanggap ko sana kung may nagawa akong pagkakamali na maaring nagpabago sa desisyon mo. Kaya lang wala e. Mahal na mahal kita chief, kaya ako parang asong ulol na bubuntot-buntot sa'yo mula noon kahit alam kong may iba ka na at haggang ngayon na iniwan ka. Mahal na mahal kita kaya kahit sarili kong pangarap ay kaya kong ipagpalit just to be with you. Hindi kita sinisisi sa desiyon ko. Sarili kong desisyon iyon. I am telling you these, para malaman mong hindi lang si Dindo ang may mga isinakripisyo, sana maisip mong ako rin naman. May mga ginagawa rin ako para mapansin mo. Nagkataon lang na siya ang lahat mo at ako ang balewala sa’yo. Ang masakit sa akin, gusto kong palayain kita para sa kaniya ngunit nasaan ba siya? Kaya kong ipagkatiwala ka sa kaniya kung sa kaniya ka talaga magiging masaya ngunit paano ko gagawin iyon kung ni hindi mo alam kung b
Read more
CHAPTER 60
CHAPTER 60Paano paalam na chief! Mag-iingat kang lagi ha.Naputol na ang record. Napaupo ako sa kama. Damn! Bakit lagi na lang akong umiiyak! napakabigat lang kasi sa dibdib na may nasasaktan ako. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero sa tingin ko, kailangan kong manindigan, sa bulong ng kahapon o sa sinasabi ng ngayon. At ngayon, may gusto na akong paninindigan, hanggang sa huling laban. Sana nga hindi ako magkakamali sa aking gagawing desisyon ngayon.Sa bakasyon ay muli kong pinag-isipan ang lahat. Minabuti kong huwag na munang tawagan o kaya i-text si Rave at pakiramdaman kung ano nga ba talaga siya sa buhay ko. Alam kong iyon din ang gusto niyang gawin ko. Kailangan kong manindigan kung sino sa kanilang dalawa lalo pa't may nasasaktan na din ako na nagmamahal sa akin. Mahal ko si Dindo ngunit pinaglalayo kami ng aming prinsipyo at ng pagkakataon. Kahit sa sulat niya ay hindi niya sa akin masabi na kaya niyang talikuran ang kaniyang ipinaglalaban para sa pagmamahal niya sa
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
DMCA.com Protection Status