COLEEN Nagmulat ng mga mata si Coleen nang malaman niya na pinatay na ni Vince ang video call. Pumihit siya paharap sa lalaki. ''Hey, wife. Good morning. Gising ka na pala?'' bati ng loko na parang wala lang. Sinamaan naman niya ito ng tingin at sinimangutan, kaya nagtataka ito sa inasta niya. "Oh, bakit nakasimangot ang maganda kong asawa, hmmn?" ani nito na nakangiti pa. "Paano hindi sisimangot? Kung ano-ano pinagsasabi mo sa kambal. Pati si mommy Selena nakarinig sa sinabi mo,'' inis niyang turan. Ngunit tinawanan lamang siya ng lalaki, kaya lalong naningkit ang mga mata niya. Sira ulo talaga! ''Walang namang masama dun, wifey. Mag-asawa naman tayo, at alam na ni mom 'yon, kaya wala kang dapat ikahiya. Si mom pa ba?'' wika nito at muling tumawa. "Kahit na, nakakahiya pa rin," giit niya. "By the way, I know you're tired and sore. That's why, I cooked food for you,'' masuyong sabi nito. ''Aba'y dapat lang, at pinagod mo'ko. Halos hindi mo na nga ako pinatulog,'' reklamo niy
Baca selengkapnya