Nagdaan pa ang mga araw at dumating na sa wakas ang opening ng Lilly Rose. Maaga pa lang ay nasa boutique na siya. Ang daming staff na abala sa pag-aayos ng venue para sa grand opening. Kita nya ang excitement sa mukha ng lahat, kasing excited din nya. Suot nya ang isa sa mga design nyang gold long gown. Tinalaga nya talaga ang gown na yun sa opening ng Lilly Rose. "Bestfriend, okay ka lang?" tanong ni Precious habang naglalakad papunta sa kanya, dala-dala ang kape na paborito niya. "Kinakabahan ako, Precious." Umupo siya saglit at uminom ng kape. "This is it. Ito na 'yung araw na pinangarap ko." "Hoy, hindi ka dapat kabahan. Magtiwala ka sa sarili mo. Lahat ng ito, ikaw ang nagplano. You deserve this moment, Lilly." Napangiti cya. "Salamat, bestfriend. Ikaw talaga 'yung lakas ko." Isa-isa nang dumating ang mga bisita, mga kilalang tao sa fashion industry, influencers, pati mga kaibigan ng parents niya. Nakita nya din ang mommy at daddy na proud na proud habang kinakausap ang
Last Updated : 2025-09-07 Read more