“Hang on, love… malapit na tayo.” Pag-aalo ni Finn kay Lilly habang hawak-hawak ang kamay nito. Pilit pa niyang nilalabanan ang sakit, pero napapangiwi na siya tuwing may pumipitik sa tiyan niya. Pagdating nila sa ospital, agad na naghanap ng tulong si Finn. “Nurse! Nurse!” halos pasigaw niyang tawag, para bang hindi mapakali. “Manganganak na ang asawa ko!” Mabilis namang lumapit ang mga nurse at dinaluhan siya “Ma’am, relax lang po, tinawag na namin si Doc,” sabi ng isa habang inaayos ang wheelchair niya. “Oh my God, Lilly, totoo ba? Manganganak ka na?” tanong ni Finn, halatang kabado. “Oo! Ngayon ba ako dapat magbiro?!” gusto pa sana niyang pagalitan si Finn, pero masakit na nga ang tiyan niya at halos mapunit ang boses niya sa sobrang kirot. Mabilis na dinala siya sa labor room. Mahigpit ang kapit ni Finn sa kamay niya habang sinusundan siya papasok. “Love, andito lang ako. Huwag kang bibitaw,” bulong ni Finn. Kita sa mukha nito ang takot, pero pilit siyang nagpapakatatag
Terakhir Diperbarui : 2025-09-20 Baca selengkapnya