"Ay, ang sweet naman pala ni Lieutenant Finn, sis!..." biro ni Andrew habang sumusubo ng pagkain. "Bakit ibang-iba ang kinuwento mo sa’kin noon, sis?" Napatingin si Lilly kay Andrew, bahagyang namula. Pinandilatan nito ng mata ang kaibigan. "Bakit? Ano bang kinuwento mo tungkol sa’kin?" natatawang tanong niya, sabay kindat kay Lilly. Umubo muna si Andrew bago sumagot. "Ahm… wala naman masyado. It’s just that… nakita ko kung gaano siya nalungkot nung naghiwalay kayo. Akala ko kasi noon hindi ka mabuting tao. Pero ngayon… mali pala ako ng conclusion." Tahimik lang siya sandali. "Aaminin ko, naging masama rin ako noon, Andrew. Siguro kung naging mabait at maayos ako kay Lilly, hindi kami aabot sa puntong maghihiwalay. Pero… pinapangako ko sa’yo, babawi ako sa mahal ko." Hinawakan niya ang kamay ni Lilly sa mesa at marahan itong hinalikan. "Babawi ako sa’yo, Lilly," malumanay na sabi niya habang nakatingin sa mga mata nito. "Hindi na kita papaiyakin. Hindi ko na hahayaang maramda
Terakhir Diperbarui : 2025-09-13 Baca selengkapnya