“W-wala po, Lola…”“Come on, apo, you can tell me…”Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “I-i still love Clarkson, Lola…” garagal na boses nyang sabi. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib kung hindi niya iyon masabi.“I know, iha…”Napatingin siya sa matanda. Hindi niya akalain na iyon ang isasagot nito.“Y-you knew, Lola?”“Of course… bulag lang ang hindi makaramdam na wala na kayong pagtingin sa isa’t isa.”“P-pero hindi kami pwede, Lola. Masisira na naman ang pamilya natin kung ipagpatuloy namin ang aming nararamdaman.”“It’s still up to you, apo… hindi naman ’yan ang ikinakagalit ng mommy at daddy mo noon. Nagalit sila dahil pinagsabay ka ni Clarkson sa nobya niya. Tinago ka niya na hindi dapat. Parang hindi ka niya ginalang at naging mitsa pa ng buhay mo.”Nakayuko lang siya, humihikbi.“Maging ako ay hindi rin gusto ang ginawa ni Clarkson noon, iha, pero hindi naman natin siya masisi. Nagmahal lang din siya.”“Dalawa kami dapat ang sisihin, Lola, h
Huling Na-update : 2025-12-07 Magbasa pa