"Si Doctora Vicky? Abay masaya ako na sa wakas nililigawan mo na siya, apo! Matagal ko na ‘yang sinasabi sa’yo. Mabuti naman kung ganun para masaya na kayo pareho ni Aria sa inyong sariling love life."Ngumiti siya pero hindi umimik si Aria."Iha, nagugutom ka na ba? Kanina ka pa tahimik diyan. Halika, nagluto ako ng kalderetang kambing. Gusto mo ‘yon di ba?"Biglang lumawak ang ngiti ni Aria. "Opo, lola, gusto ko ‘yon. Namiss ko na ang luto mo.""Alam ko naman parehas kayo ng paborito ni Clarkson kaya hindi ko ‘yon makakalimutan."Nagkibit-balikat na lang siya sa mga pinagsasabi ng lola niya. Paano naman silang makaka-move on ni Aria kung ang mga nasa paligid nila ay pinapaalala ang mga nakaraan nila?Umupo sila sa dining table."Pagpasensyahan mo na ang lola mo sa ingay niya, Aria. Namiss ka lang niya," sabat ng lolo niyang kanina pa tahimik. "Kamusta na pala ang Lola Beth n’yo?""Medyo malakas na siya, lo, nang makita kaming lahat. Nagtipon-tipon naman kasi ang mga pamilya.""Salam
Last Updated : 2025-11-21 Read more