Pagdating ng Manila airport ay muli silang sinundo ng driver ni Ninong Ken.“Na-miss ko ang Manila, apo. Ang tagal ko ding hindi nakapunta dito.”“Bakit kasi ayaw n’yong magpabakasyon sa amin, La… palagi naman kayo sinasabihan ni Mommy na doon muna kayo sa amin para malibang kayo.”“Hmp! Parehas namang busy ang Mommy at Daddy n’yo. Paano kami malilibang doon? Saka ikaw, nasa Iloilo naman, edi doon na lang muna kami.”“Gusto n’yo, La, pumunta ng Scotland?” sabi naman ni Aria.“Talaga, iha? Pagbabakasyunin mo kami doon ng lolo mo?”“Kayo po, kung gusto n’yo… may hotel ang pamilya namin doon at ako ang namamahala. Pwede kayo doon hanggang kelan n’yo gusto.”“Ay ang saya sana… pero wala pa akong passport eh. Saka matanda na kami. Baka naman hindi namin kaya ang lamig doon kapag mag-snow?”“Hihihi… eh ’di ’wag po kayong pumunta kapag winter.”“Talaga ba iha, ini-invite mo kami doon?”“Oo naman, kung gusto n’yo po.”“Clarkson, apo… samahan mo kami sa pagbabakasyon namin sa Scotland ha?”Nap
Last Updated : 2025-12-02 Read more