“Sigurado ka bang kaya mo, Clarkson? Ilang taon ka nang hindi nakabalik dito. Baka maligaw ka at hindi mo alam ang daan papunta ng resort!” tanong ng Mommy niya.“Bakit naman maliligaw, Mom? Sa Manila nga hindi ako naliligaw eh, mas mahirap bumyahe doon. Dito pa kaya.”“Pabayaan mo na si Clarkson, Ate. Malaki na yan. Palibhasa binibaby n’yo pa din kasi ni Kuya Clark.”Tumahimik ang Mommy niya.“Alis na ako, Mom. Lolo, Lola, Tito,” paalam niya.“Sige, iho, umalis ka na. Mag-ingat ka sa pagda-drive ha.” Tumango lang siya.Agad siyang pumunta sa kotse at dahan-dahan na nagmaneho palabas ng ancestral house. Habang nakatingin sa paligid, naaalala niya ang mga alaala ng kabataan niya sa Iloilo. Palagi siyang umaakyat sa puno at ang Tito Toto niya ang nagbabantay sa kanya. Palagi din itong napapagalitan dahil kung ano-ano daw ang pinapagawa sa kanya.Doon din siya natutong mag-bike at maglaro ng mga larong kalye kasama ng mga kapitbahay nila noon. Napapangiti siya. Masarap palang alalahanin
Last Updated : 2025-11-14 Read more