Nakita pa niyang sumimangot si Vicky pero wala siyang pakialam.Pagpasok sa resort ay agad siyang sinalubong ni Jolisa, ang kanyang secretary.“Welcome back, Sir Clarkson!” Malapad ang ngiti nitong sabi.“Thank you, Jolisa. Kamusta kayo dito?”“Okay naman po, sir. Wala namang naging problema.”Kahit nasa Scotland siya ay palagi namang nagrereport si Jolisa sa kanya.“Saan na po ang pasalubong ko, sir?”Ngumiti siya sabay iling. “Grabe ka talaga, Jolisa. Holdap kaagad?”Sumimangot ito. “Ibig sabihin ba niyan wala kang dala kahit na ano sa akin, sir?” ang tanong nito, parang obligasyon niyang dalhan ito ng pasalubong. Ang lakas ng tawa niya.“Oh, ito…” sabi niya sabay bigay ng isang malaking paper bag. Biglang lumiwanag ang mukha nito. “Ang perfume diyan, sa’yo. Ikaw na ang bahala magbigay sa iba ng mga chocolates at biscuits. Paghatian n’yo na lang.”“Wow, ang dami!” bulalas ni Jolisa.“Bigyan mo sila ha. Huwag mong angkinin lahat!” natatawang sabi niya.“Opo sir, ako na po ang bahala,
Last Updated : 2026-01-10 Read more