Muling napuno ng katahimikan ang silid, ngunit hindi na iyon mabigat kagaya kanina. Sa halip, may kakaibang gaan na bumalot sa lahat, parang unti-unting humupa ang lahat ng sakit, takot, at galit na matagal nang kinikimkim ng bawat isa.Ramdam niya ang init ng palad ni Aria sa kanyang kamay. Sa kabila ng mga sugat at hapdi sa katawan niya, parang sapat na iyon para bigyan siya ng lakas. Sa wakas, wala na silang kailangang itago.“Magpahinga ka muna, anak. Mahina pa ang katawan mo at kailangan mong magpagaling nang tuluyan,” sabi ng Daddy niya saka siya tinapik sa balikat.Tumango siya. “Yes, Dad. And… thank you. Hindi ko akalaing darating ang araw na ito... na matanggap nyo kami ni Aria.”Ramdam niyang pinisil siya nito sa balikat. Lumapit naman si Mommy Fe at marahang hinaplos ang noo niya. “Matagal na kitang pinagmamasdan, anak. Nakikita ko kung paano ka nasasaktan nang tahimik. Kinikimkim mo ang lahat. Pasensya na kung ngayon lang namin tunay na naintindihan.”Napaluha siya. “Okay
Last Updated : 2025-12-28 Read more