ARIA’S POV:Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng kidnaper at ng kanyang Daddy sa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita, pinagbawalan siya. Pero ramdam niya ang matinding kaba sa dibdib. Alam na ni Clarkson ang tungkol sa pagkakakidnap sa kanya. Alam na rin ng Daddy niya na naroon si Clarkson sa Scotland. Isa-isang naglalabasan ang mga lihim dahil sa pagkawala niya.Nakangisi na ang kidnaper matapos nitong makipag-usap sa kanyang ama. “Madali naman pala kausap ang Daddy mo, Miss Blacksmith. Magbibigay siya ng pera,” sabi nito saka umalis na.Napaisip tuloy siya kung magkano kaya ang hinihingi ng mga ito sa ama niya?Napapitlag siya nang muling bumukas ang pinto. Pumasok ang tauhan ng mga kidnaper, at may kasama itong isang babae. Halos buhat na buhat nito ang kawawa. Agad siyang naawa... halatang mahina, namumutla, at hirap na hirap huminga.Ito na siguro ang buntis, naisip niya.Pero may isang bagay na ikinagulat niya... naka-uniporme ito ng hotel staff niya?! Bakit…? Kilala
Last Updated : 2025-12-22 Read more