“Well,” sabi ni Pretzel habang kumukuha ng pagkain sa mesa, “frankly speaking, hindi ko akalain na magdadala si Tyler ng babae sa bakasyon niya na ito.”Prangka niya iyong sinabi, parang wala man lang pakialam kung may masasaktan sa mga salitang binitawan nito.Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumingin sa kanya, mula ulo hanggang paa, na para bang sinusuri ang bawat detalye ng itsura niya. May nakapaskil na ngiti sa labi nito, pero halatang pilit at may halong pangmamaliit.“I always thought na kami ang magkakatuluyan ni Tyler… sorry for the word, Jolisa.”Tumawa ito pagkatapos isang tawang magaan sa pandinig ngunit may matalim na gilid na parang kutsilyong dahan-dahang isinusuksok sa dibdib.Saglit na natahimik ang mesa, ngunit hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon. Nanatili siyang kalmado habang naglalagay ng pagkain sa plato.“It’s okay, Pretzel,” mahinahon niyang sagot. “Sanay na rin akong maraming babaeng humahabol kay Tyler.”Bahagyang napataas ang kilay ni Pretzel sa sago
Read more