Tahimik ang biyahe nila papunta sa golf tournament. Tanging mahinang ugong ng makina at paminsan-minsang busina lang ang maririnig sa loob ng sasakyan. Hindi siya nagsasalita, ganoon din si Tyler. Para bang dalawang estranghero lang silang nagkataong magkasama sa iisang kotse.Nakatitig siya sa bintana, pinagmamasdan ang mga tanawin na mabilis na lumalagpas, ngunit wala ni isa doon ang pumapasok sa isip niya. Hindi niya maintindihan, excited pa naman siya sa bakasyon na ito, pero bakit ngayon, parang may naging perwisyo na sa pakiramdam niya?Pagdating nila sa golf course, agad siyang napahinto.Malawak ang lugar, luntiang damuhan na tila walang katapusan. May mga puno, at sa paligid ay nagkukumpulan ang mga taong halatang mayayaman at may impluwensya, at ang iba ay malamang mga politiko na kasamahan ni mayor.Hindi man niya kilala ang lahat, may ilang mukha siyang nakilala, mga personalidad na madalas niyang makita sa TV. Mga kilalang negosyante, mga artista, mga taong hindi basta-ba
Read more