“You need to eat,” seryosong sabi ni Tyler, bagaman may bakas ng lambing. “Nakokonsensya ako na iniwan kitang mag-isa dito tapos noodles lang kinain mo habang ako, nagpapakasarap sa labas.”Bahagya siyang natawa, “Wow, may konsensya ka pala?”“Para mawala ’to, kainin mo ’to,” dagdag ni Tyler sabay lapit ng mga lalagyan.Napailing siya habang nakangiti. “May ganun pala? Instant forgiveness through food?”Habang nakatingin siya sa mesa, tila sumasayaw sa kanyang pang-amoy ang mga pagkain sa harap niya. Ngunit bago pa man siya makahawak ng kubyertos, nauna na si Tyler.“Here… try this.”Sumandok si Tyler ng beef broccoli at dahan-dahang inilapit ang kutsara sa kanyang bibig. Sandali siyang nag-alinlangan. Ang titig ni Tyler ay tila nanunuri, naghihintay. Sa huli, hindi na siya tumanggi at marahang ngumanga.“Masarap nga,” sabi niya habang ninanamnam ang lambot ng baka. Pero para gumaan ang tensyon, biniro niya ito. “Teka… baka may gayuma ’to ha?”“Anong gayuma?” natatawang tanong ni Tyler
Read more