Mariin niyang kinuyom ang kamao habang pilit nilulunok ang matinding selos na sumisiklab sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang mas nangingibabaw... galit, takot, o pagkabigo.Bakit ganoon? Parang napakadali lang siyang palitan?“Iho? Are you still there?”Napakurap siya. “Lola…” mahina niyang tugon. Ngayon lang niya tuluyang naramdaman ang bigat ng lahat. “I’m scared.”“Bakit naman, apo?”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. “B-baka mawala si Jolisa sa akin…” halos pabulong niyang sabi, garalgal ang boses.Sandaling natahimik si Lola Beth bago ito marahang nagsalita. “Apo… kung kilala mo si Jolisa at nagtitiwala ka sa kanya, hindi mo dapat nararamdaman ’yan.”“I trust her…” bulong niya habang napapikit. Parang may kamay na sumasakal sa kanyang lalamunan. “But… I don’t trust Daniel.”Marahang natawa si Lola Beth. “Tyler… let her live her life!”Tahimik siya matapos marinig ang sinabi ng kanyang lola.... Let her live her life.Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya haban
閱讀更多