Matiwasay ang naging pag-alis niya sa rancho, lalo na’t buong puso siyang sinuportahan nina Lola Beth at Lolo Gregore. Hindi naging mahirap ang desisyon dahil alam niyang may mga taong naniniwala sa kanya. Ngayon, nasa Maynila na sila, malayo sa tahimik na buhay sa probinsya, ngunit puno ng bagong pag-asa at oportunidad.Kasalukuyan silang nasa condo ni Mama Jess. Si Daniel naman ay umuwi na sa sarili nitong condo at hindi na sumama sa kanila, kaya silang dalawa na lang ni Mama Jess ang magkasama.Ngayon, magkatabi silang nakaupo sa sofa, parehong nagpapahinga matapos ang mahabang biyahe. Tahimik silang pareho “Jolisa,” tawag ni Mama Jess habang nakasandal sa likuran ng sofa, “dito ka muna titira sa condo ko, ha. Hindi ko na rin naman ito masyadong ginagamit, kaya ikaw muna ang bahala dito.”Napalingon siya rito, bahagyang nagulat. “Ha? Talaga po, Mama Jess? Pero… wala po akong pambayad sa renta!”Ngumiti si Mama Jess at bahagyang tumawa. “Don’t worry about the rent. Bayaran mo na la
Read more