Habang nananatiling nakayakap mula sa likod, sinimulan na niya ang kanyang opensiba. Ang kanyang mga palad, na may sariling isip, ay dahan-dahang gumapang pataas, hinahaplos ang matigas at basang dibdib ni Tyler. Ang bawat haplos ay tila may kuryenteng nagpapasingaw sa balat ng lalaki."Please stop, Jolie... wala akong gana ngayon." pilit na pagmamatigas ni Tyler, bagaman medyo gagaralgal na ang boses nito.Muntik na siyang humagalpak sa tawa. Wala raw gana? Kailan pa?Ang lalaking ito, konting kalabit lang mula sa kanya ay mas mabilis pa sa apoy kung mag-init. Kaya alam niyang nagdadahilan lang ito dahil sa pride. Ngunit mas masarap sakyan ang trip nito."Wala ka palang gana, ha?" bulong niya sa tainga nito, bago marahang kinagat ang dulo ng tenga ng lalaki. "Sige, ako na ang bahala sa iyo."Humarap siya kay Tyler, pumuwesto sa tapat nito habang patuloy na umaagos ang tubig sa kanilang mga katawan. Nanatiling nakatayo lang ang lalaki, nakatitig sa kanya, tila naghihintay ngunit nagpi
Read more