로그인Habang nananatiling nakayakap mula sa likod, sinimulan na niya ang kanyang opensiba. Ang kanyang mga palad, na may sariling isip, ay dahan-dahang gumapang pataas, hinahaplos ang matigas at basang dibdib ni Tyler. Ang bawat haplos ay tila may kuryenteng nagpapasingaw sa balat ng lalaki."Please stop, Jolie... wala akong gana ngayon." pilit na pagmamatigas ni Tyler, bagaman medyo gagaralgal na ang boses nito.Muntik na siyang humagalpak sa tawa. Wala raw gana? Kailan pa?Ang lalaking ito, konting kalabit lang mula sa kanya ay mas mabilis pa sa apoy kung mag-init. Kaya alam niyang nagdadahilan lang ito dahil sa pride. Ngunit mas masarap sakyan ang trip nito."Wala ka palang gana, ha?" bulong niya sa tainga nito, bago marahang kinagat ang dulo ng tenga ng lalaki. "Sige, ako na ang bahala sa iyo."Humarap siya kay Tyler, pumuwesto sa tapat nito habang patuloy na umaagos ang tubig sa kanilang mga katawan. Nanatiling nakatayo lang ang lalaki, nakatitig sa kanya, tila naghihintay ngunit nagpi
Lumalim na ang gabi nang dumating ang mga crew ni Ate Lilly para sa nakatakdang photoshoot. Ngunit nang makita nitong halos pagod na ang lahat matapos ang mahabang biyahe , napagdesisyunan nitong ipagpaliban na lamang iyon hanggang kinabukasan.Pagkatapos nilang kumain ay nanatili pa silang magkakasama sa hardin... Siya, si Tyler at ang mag-asawang Ate Lilly at Kuya Finn.Kanya-kanya silang kuwento ng nakaraan, mga nakakatawang karanasan, at mga bagay na matagal na nilang hindi napag-uusapan.Matagal din silang hindi nagkwentuhan ng ganito, walang iniintinding oras, at walang kailangang habulin na schedule.Kung kompleto lang sana sila doon... Si Kuya Clarkson, si Ate Aria at iba pang mga pinsan ni Tyler... mas masaya sana.Habang abala ang lahat sa kuwentuhan, hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang pananahimik ni Tyler. Magkatabi ito at si Kuya Finn habang umiinom ng beer. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Ngunit sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata, m
Napatawa siya. “Sige na, Margie. Isasama kita.”“Talaga?!”“Basta magpaalam ka muna kay Lola Beth.”Biglang namula ang mukha ng dalagita. “S-senyora... pwede po ba?”“Walang problema,” agad na sagot ni Lola Beth. “Sumama ka sa Ate Jolie mo.”Lalong lumawak ang ngiti ni Margie. "Thank you Senyora!"“At doon na rin natin gaganapin ang birthday mo sa Miller Hotel.”“Lola!” Halos mapatayo siya. “Ang gara naman po no'n. Huwag na doon!”“I want the best for you, apo.”Biglang lumambot ang kanyang puso.“Hayaan mo na ako. Wala na akong inaalagaang apo rito. Ang iba kong apo may sarili nang pamilya at abala na sa kani-kanilang buhay.”Napatahimik siya. May bahid ng lungkot ang mga mata ni Lola Beth habang sinasabi iyon, kaya ngumiti na lamang siya at tumango. Wala ring saysay ang pakikipagtalo dahil kapag may gusto si Lola Beth, gagawin nito.Habang nag-iisip siya, napatingin siya sa kanyang plato at doon siya natigilan. May nakatambak na pala roong mga hipon na nabalatan na.Kumunot ang kan
“Bakit kasi 'yan pa ang isusuot mo? Ang dami mong damit diyan.”Nagkibit-balikat siya. “Eh komportable 'to.”“May sarili kang mga damit.”“Mas komportable nga 'to!”Napapikit si Tyler at tila pinipigilang magsalita. Samantalang siya naman ay halos mapatawa, pikon na ito sa kanya. Para silang dalawang bata na nagtatalo tungkol sa mga bagay na wala namang kabuluhan. At pareho nilang alam iyon, ngunit wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo.Matapos magsuklay ng buhok, inilapag niya ang suklay sa ibabaw ng dresser.“Mauna na ako sa baba.”Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod siya at lumabas ng kwarto, ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa pasilyo ay narinig na niya ang mga yabag sa kanyang likuran.Sumusunod si Tyler, hindi siya lumingon at hindi rin nagsalita ang binata. Tahimik lamang itong naglalakad sa kanyang likuran. Parang isang malaking asong nagtatampo sa amo.Napakagat siya ng labi para pigilan ang sariling pagtawa. Ilang hakbang pa ang lumipas bago niya narini
“Margie, iwan mo na muna ako. Papasok na ako sa kwarto.” sabi niya nang makarating sila sa harap ng silid na karaniwan niyang ginagamit tuwing nasa rancho siya.Agad na sumimangot si Margie. “Hmp! Mamaya ka na pumasok, Ate. Magkuwentuhan pa tayo. Hindi mo ba ako na-miss?”Napangiti siya ngunit umiling. “Mamaya na tayo mag-usap. Magpapahinga lang ako sandali.”Hindi niya sinabi ang totoong dahilan. Ang totoo, gusto niyang makausap si Tyler. Ayaw na niyang patagalin pa ang tampuhan nilang dalawa. Buong maghapon na siyang nabibigatan sa katahimikang namamagitan sa kanila.“Sige na nga,” nakangusong sabi ni Margie. “Pero promise mo ha? Magkukuwento ka tungkol sa mga artista na nakilala mo. Tapos magpi-picture tayo nang marami para ma-post ko sa social media. Para malaman ng mga kaibigan ko na best friend kita.”Napatawa siya. “Oo na. Huwag ka nang makulit. Baka marinig ka ni Tyler. Nasa loob pa naman siya at nagpapahinga. Masama ang pakiramdam niya.”Biglang natigilan si Margie. Mabilis n
“Eh ano magagawa ko? Sa ganitong edad ang mga lalaking active sa sex.” Saglit itong sumulyap sa kanya at bahagyang ngumisi. “Lalo na kung batang-bata, fresh, at sobrang ganda ang girlfriend.”Tyler is already going 36 at siya naman ay magbi-birthday. 26 na siya in 2 months“Ay naku!” muli niyang reklamo kahit lihim na kinikilig.Muli sana niya itong hahampasin gamit ang teddy bear na yakap ngunit mabilis na naharang ni Tyler ang kanyang kamay kaya napunta na lamang ang bear sa likurang upuan.Mahaba na ang tinatahak nilang highway at halos wala nang sasakyan sa paligid. Tanging mahinang ugong ng makina at malamig na hangin mula sa aircon ang maririnig sa loob ng kotse. Biglang dahan-dahang itinabi ni Tyler ang sasakyan sa gilid ng daan.Nagtaka siya. “Tyler, ano ba? Bakit ka tumigil?”Ngumisi lamang ito habang unti-unting lumalapit sa kanya. Agad nitong hinaplos ang kanyang mahahabang hita dahilan upang mapapitlag siya.“Yan pa talaga sinuot mo ha…”“Eh ano ngayon?” kunwari niyang mat
LILLY'S POV: Nagising siya kinabukasan na malapad ang ngiti sa kanyang labi. Lalo na nang makita si Twinkle sa tabi niya. Kaya pala sa panaginip niya ay katabi niya si Finn sa pagtulog, naamoy niya ang pabango ng binata kay Twinkle. "Good morning baby.. did you sleep well dito sa dati mong kwart
FINN'S POV:Napakasaya niya. Para siyang baliw na nakangisi habang nagda-drive. Hindi niya mapigilan lalo na’t okay na sila ni Lilly. Isa na lang ang problema niya.... Si Vanessa.Kailangan kumbinsihin niya itong magpa-therapy nang sa ganoon ay paggaling nito ay puwede na siyang manligaw kay Lilly,
Hindi pa man sila tapos ng pagkain ay dumating si Precious. "Hi!" dire-diretsong pasok nito sa bahay. "Late na ba ako sa dinner?" tanong nito saka umupo sa isang bakanteng upuan doon. "Kumain ka na diyan, iha," sabi naman ni General kay Precious. Mukhang palagi si Precious doon, naiinggit siya d
LILLY'S POV:Kanina pa siya pagulong-gulong sa kanyang kama pero hindi pa din siya makatulog. Hindi maalis si Finn sa utak niya.Kanina pa umalis ang mommy niya pero hindi pa din mawala sa isip ang sinabi nito na kung hindi man si Finn ang para sa kanya ay balang araw makikita din siya ng lalaking







