JOLIE'S POV:Pagdating sa Maynila, halos wala nang pagkakataon si Jolie para magpahinga. Pagkadating pa lamang nila ay agad na siyang sumabak sa trabaho. Sunod-sunod ang nakaayos na schedule para sa kanya, at ngayong araw ay may guest appearance sila sa isang sikat na noontime show.Abala ang buong backstage area nang dumating siya. Agad siyang sinamahan ng isang staff sa kanyang dressing room. Ngunit pagpasok pa lang niya ay agad siyang napahinto. Naroon sina Queenie, Diana, Meagan, at Heather. Ang apat na babaeng matagal nang tinik sa kanyang buhay.Nagkukumpulan ang mga ito sa isang sulok habang nagtatawanan. Ngunit nang mapansin siyang pumasok, sabay-sabay silang tumahimik.Ngumiti si Queenie pero alam niyang peke lang iyon."Well, well, well..." anito habang nakapamewang. "Andito pala ang prinsesa."Nagkatinginan ang tatlo nitong kasama bago nagpipigil na tumawa."Kumusta naman ang bakasyon mo?" patuloy ni Queenie. "Balita ko kasi, halos araw-araw kang binibisita ni Daniel doon
Read more