Samantala..."Girls, nakita n'yo ba 'yon?" Mahinang bulong ni Queenie habang nakasilip mula sa likod ng isang malaking SUV sa parking area.Hindi pa sila umaalis. Sa halip, lihim nilang sinundan sina Jolie, Tyler, at Daniel hanggang sa parking lot, at sulit na sulit ang kanilang paghihintay.Mula sa kanilang kinatatayuan ay malinaw nilang nakita kung paano nagpaalam si Daniel, kung paano nito iniwan ang dalawa, at kung paano agad nagbago ang kilos nina Tyler at Jolie nang wala na ang lalaki."Told you," nakangising sabi ni Diana habang nakahalukipkip. "May mali talaga sa babaeng 'yan!""Oo nga! Hinintay lang niyang mawala si Daniel saka naman nakipaglandian kay Tyler?" Sabi naman ni Meagan"Akala mo kung sinong mabait at inosente," dagdag ni Heather. "Pero kapag nakatalikod si Daniel, si Tyler naman ang kalandian!"Napailing si Meagan. "Grabe. Hindi ko akalaing ganito siya!""Hindi?" mapanuyang tanong ni Queenie. "Masyado lang kayong nagpapaniwala sa acting niya."Hindi maalis ang ngi
Read more