RAQUEL'S POV"That bitch!"Galit na galit na sambit ni Raquel habang nagmamartsa palabas ng boutique ni Lilly Rose. Halos manginig ang kanyang buong katawan sa sobrang inis. Pakiramdam niya ay pinagtulungan siya ng lahat sa loob at wala siyang nagawa kundi ang mapahiya.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao. Hindi siya papayag na si Jolie ang magwagi. Matagal na niyang minamahal si Tyler. Mula pa noong college days nila ay nakatanim na sa kanyang puso ang pangalan ng lalaki. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagpapapansin at pagsisikap, ni minsan ay hindi siya nito tiningnan bilang higit pa sa isang kaibigan.Kaibigan... Iyon lang siya para rito, at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Samantalang si Jolie, bigla na lamang dumating at nakuha ang lahat ng atensyon ni Tyler.Hindi... Hindi niya hahayaang mapunta si Tyler sa babaeng iyon! Ngunit paano? Mukhang nabisto na ni Tyler ang ilan sa kanyang mga ginagawa. Tahasan pa siyang binalaan nito na huwag nang uulitin ang kanyang mga ka
Read more