Dahan-dahan siyang nagkamalay nang maramdaman ang banayad na pagpisil sa kanyang kamay. Mabigat pa ang kanyang mga talukap, ngunit pilit niya iyong iminulat. Ilang sandali siyang napatitig sa puting kisame bago unti-unting nilingon ang kanyang kaliwa.Nandoon si Tyler, nakahiga rin ito sa katabing hospital bed. Maputla pa ang mukha, at ang kaliwang balikat ay balot ng makapal na benda.Ngunit sa kabila noon ay mahigpit pa rin nitong hawak ang kanyang kamay, na para bang ayaw na itong bitawan kahit kailan.Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya, tila kanina pa hinihintay ang sandaling magising siya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad itong ngumiti."Sa wakas..." mahina nitong sambit. "Nagising ka na rin."Napakurap siya. "T-tyler..." paos niyang tawag."Andito ka rin sa ospital, love," malumanay nitong sabi. "Nahimatay ka raw kasi."Doon lang bumalik sa kanya ang lahat ng alaala na habang nag-aalala siya sa kalagayan ni Tyler ay siya naman ang nawalan ng malay. Agad siyang na
Baca selengkapnya