Nang tuluyan na silang payagan ng doktor na makalabas ng ospital, agad na iniabot ni Tyler kay Clarkson ang susi ng kotse.“You drive,” sabi niya.Wala namang reklamo itong sinalo ni Clarkson bago sila nagtungo sa parking area. Sumakay sina Clarkson at Aria sa harapan, habang sinamahan naman ni Tyler si Jolie sa likod.Sa sandaling makaupo sila, agad na hinapit ni Tyler si Jolie palapit sa kanya. Mahigpit niya itong niyakap, na para bang natatakot siyang kapag niluwagan niya ang pagkakahawak dito ay bigla na lang itong mawawala sa kanyang piling.Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Aria.“Sayang,” malungkot na sabi nito habang nakatingin sa labas ng bintana. “Plano ko pa naman sanang mag-double date tayo pagkatapos ng checkup naming dalawa ni Jolie. Pero tingnan mo naman kung ano pa ang nangyari.”“Huwag na, Aria,” mabilis na sagot ni Tyler. “Hindi rin papayag sina Lolo at Lola.”Sabay-sabay silang napatingin sa likuran. Naroon ang kotse nina Lola Beth at Lolo Gregore, mahigpit na na
Read more