Napatingin si Tyler sa plato niya. “Interesting combination.”“Ano’ng interesting? Masarap kaya!”“Smoked salmon, kare-kare, and lumpia?”“Oo. International ang tiyan ko!” pagmamalaki niya.Napahalakhak si Tyler. Ngunit habang masayang kumakain at nagkukuwentuhan ang lahat, tahimik namang pinagmasdan ni Jolie ang mga taong nakapaligid sa kaniya.Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang init na nararamdaman niya. Napakalaki ng palasyong iyon at napakarangya ng buhay ng pamilya ni Tyler. Halos lahat ng bagay na nakikita niya ay tila napakalayo sa simpleng mundong kaniyang kinalakihan.Ngunit sa gitna ng karangyaan, tawanan, at napakaraming pagkaing nakahain sa kanilang harapan, isang bagay ang malinaw niyang naramdaman... hindi siya itinuring na isang bisita.Gayunpaman, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting kaba, lalo na’t kanina pa niya nahuhuling palihim siyang pinagmamasdan ni Lolo Sebastian.Hindi naman masama ang tingin nito sa kaniya. Ngunit tila sinusuri siya ng matanda. Para
閱讀更多