TYLER’S POV:Nagda-drive siya ngayon pauwi sa Mackenzie Estate, at kahit ilang oras na siyang nasa kalsada, hindi niya mapigilan ang ngiting sumisilip sa kanyang mga labi.Sobrang excited na siyang makarating sa estate. Kagabi pa niya gustong umuwi para makasama si Jolie. Gusto sana niyang makauwi agad pagkatapos ng trabaho, pero sunod-sunod ang naging meetings at mga kailangang asikasuhin. Kahit gustong-gusto na niyang umalis, hindi niya magawa dahil alam niyang may mga responsibilidad siyang hindi puwedeng basta iwan.Kaya naman kaninang matapos niya ang lahat ng trabaho, agad siyang nagpasya na magbiyahe pauwi. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Alas-diyes na ng umaga. Siguradong gising na si Jolie.Hindi na niya ito tinawagan bago umalis dahil may plano siyang sorpresahin ito. Gusto niyang makita ang reaksyon ng babae kapag bigla siyang sumulpot sa harap nito. Baka sakaling magtampo man ito dahil hindi siya nakauwi kagabi, mabawi niya iyon ngayong araw.Pero habang nagmamaneho,
Read more