Paulit-ulit na inangkin ni Arthur ang kanyang katawan, tila wala itong kapaguran. Bawat paggalaw nito ay paalala ng kanyang kawalan ng laban, hanggang sa marinig ang malakas at sunod-sunod na katok sa pintuan na siyang nagpapatigil sa nagbabagang sandali."Boss, dumating na si Mr. Blackwood," bungad ng tinig mula sa labas.Nanlaki ang kanyang mga mata at parang tumigil ang ikot ng kanyang mundo. Talaga bang dumating si Tyler? Dala ba talaga nito ang pabuya na isang milyong piso?Sa halip na makaramdam ng ginhawa o tuwa, tila may matalim na saksak na pumilit sa kanyang dibdib. Isang matinding kurot ng inggit at sakit. Ganoon pala katindi ang pagmamahal ni Tyler kay Jolie… handa nitong ialay ang buong kayamanan, maging ang sariling buhay, maipagtanggol at mailigtas lang ang babaeng mahal.Habang siya... eto, nag-iisa sa dilim, pinagsamantalahan at nilapastangan ng lalaking ni minsan ay hindi niya hinangad.Kung ako lang ba ang kinidnap at hindi kasama si Jolie, may mag-aabala kaya na tu
Read more