Samantala ...Nasa isang tahimik na sulok ng isang bar si Lewis, mag-isa at tahimik na umiinom. Sa harap niya ay isang baso ng whiskey na kanina pa niya hawak, marahang iniikot ang laman habang nakatulala sa mga yelong unti-unting natutunaw.Maingay ang paligid, may mga taong nagtatawanan, may mga magkakaibigang nagkukuwentuhan, at may musikang umaalingawngaw sa buong lugar. Pero kahit napapaligiran siya ng mga tao, pakiramdam niya ay mag-isa pa rin siya.Hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kanina. Sandali siyang nakaramdam ng hindi pagiging komportable mula nang silang dalawa lang ni Catriona ang magkasama sa iisang bahay.Oo, siya mismo ang nagprisinta na samahan ito papuntang Paris. Alam niyang mas magiging panatag si Catriona lalo na’t sa mga nangyari noong mga nakaraang araw. Bilang pinsan nito, natural lang para sa kanya na protektahan ito.Pero mula nang silang dalawa na lang ang nasa apartment, parang may kakaibang pagbabago sa kilos ni Catriona. Hindi niya maintindihan,
Read more