"Hey, you shouldn't be moving around too much. Hinintay mo na lang sana ako. Ako na ang mag-aayos niyan," saway niya rito.Napatingin sa kaniya si Catriona at ngumiti nang bahagya."I just want to leave this place, Kuya Lewis. Pagod na akong nakahiga lang sa kama. I miss being somewhere else."Napailing siya ngunit hindi napigilang mapangiti. "You're really eager to go home, aren't you?""Of course. Hindi ko na gusto ang amoy ng ospital."Napatawa siya nang mahina. Sa totoo lang, mula nang magising si Catriona matapos ang aksidente ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa ugali nito. Bukod sa muli siyang tinatawag nitong Kuya, naging mas malumanay at sensitibo rin ang dalaga.Hindi na ito katulad ng dating Catriona na spoiled brat, mataray at kung minsan ay sadyang mahirap pakisamahan. Ngayon ay mas mahinahon ito, mas madaling kausapin at tila mas pinahahalagahan ang maliliit na bagay sa paligid.Kung tutuusin, mas gusto niya ang ganitong bersiyon ng pinsan. Hindi dahil sa nangyar
Last Updated : 2026-11-04 Read more